Chapter 22 : Locked

528 26 5
                                    

Julia

Isang linggo na ang nakalipas simula nung naging official enemies kami. Sa ngayon, wala pa kaming ginagawang move sa isa't isa dahil for sure,  pinag-iisipan din niya yung mga dapat niyang gawin, gaya ko.

I won't let my guard down. Hindi porket babae ako eh pwede na niya ako talunin. Lalo kapag family ko na yung involved, mas lalo akong nagagalit.

Biglang tumunog yung cellphone ko kaya tinignan ko ito.

'Hi Julia! Hana here. Pinapatawag ka ni Ms. Cruz sa gymnasium. Kakausapin ka daw niya , hindi naman sinabi kung bakit.'

Really? Bakit kaya? Dahil kaya 'yun sa nangyari kahapon?

It's Cashmere's fault. Pinahamak ba naman ako kahapon kay Ms. Cruz?
Hindi ko pa siya nasisingil doon sa ginawa niya dahil mas priority ko yung about kay Zach ngayon.

Naglakad na 'ko papunta sa gymnasium pero wala namang tao. Joke time ba 'to, Ms. Cruz?

Pumasok ako sa loob, baka sakali na nandoon siya sa gilid—pero wala talaga.

Inikot ko pa yung buong gymnasium at paulit-ulit na tinawag ang pangalan niya pero wala talagang sumasagot.

"Are you fooling me Ms. Cruz? Inis na sabi ko sa sarili ko. Nakaka-frustrate. Sayang sa oras.

Umupo nalang ako dito sa bleachers habang naghihintay kay Ms. Cruz.

But wait...

Hindi kaya ito na ang first plan ni Zach para sakin? Ang paghintayin ako dito sa wala? Great.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto at nagulat ng naka lock ito.

Really? Is this your plan, Zachary Lopez? Ang ikulong ako sa loob gymnasium? He's eally getting into my nerves.

Great. Naging successful ang plano niya. Sino ba kasing nagpa-uto? Ako. Hindi kasi nag-iingat. Stupid.

Ano ng gagawin ko? Paa ako makakalabas dito? Matalino ka, diba? Kaya ka nga naging scholar dito diba? Pero bakit hindi mo naisip kaagad na
may kinalaman si Zach dito? Nakakainis.

Biglang nag-ring ang phone ko kaya kaagad ko itong sinagot without looking for the caller's name. Bahala na if I'll look so desperate, basta makahingi lang ng tulong.

"Hello?" Bati ko. Sino kaya 'to?

"Hi, Julia." Familiar yung boses.

When I finally realized...

"Zach?!" Sigaw ko.

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka?" Hindi lang gulat, galit narin.

"Zachary Lopez, bakit mo 'to ginawa sakin, ha?" Sigaw ko ulit. Sakit sa ulo.

"Oh. Just chill. Ang init agad ng ulo mo eh." Oo, dahil sa'yo.

"Chill? Sa tingin mo ba magiging chill pa 'ko sa sitwasyon na 'to?" I asked. 

"Ingay mo! Kung hindi kaya kita palabasin diyan, ha?" Aba. Nagreklamo pa siyang maingay ako eh siya naman may kasalanan kung bakit.

Napa-irap ako. "Sa tingin mo ba maniniwala ako na palalabasin mo 'ko dito?" Tanong ko. Nawalan ako ng tiwala bigla.

"Edi huwag kang maniwala.  Palalabasin na sana kita eh kaso nagbago na isip ko eh. Sige, bye!" Then he ended the call. 

The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now