Chapter 30

589 18 2
                                    

Julia.

Nandito kami sa ospital ngayon habang hinihintay matapos yung operation ng kuya Caitlyn.




Hanggang ngayon ay hindi parin kami makapaniwala sa nangyari. Bigla nalang namin syang nakita na nakahiga sa sahig habang may tama ng baril sa kanyang dibdib.




Sino kaya ang may gawa sa kanya nito? May tao bang gusto syang patayin? Pero bakit?

" Gusto mo ng tubig, " pag aalok ko kay Caitlyn. Hanggang ngayon kasi ay nakatulala parin sya sa upuan sa harap namin. Sigurado ako na hindi din sya makapaniwala sa nangyari, kahit pa galit sya sa kuya niya.

Umiling sya. Kanina parin sya hindi nagsasalita, kaya nabibingi ako sa katahimikang nagaganap ngayon. Inalok ko rin sya ng biscuit kanina pero umiling lang sya.

Tumingin ako sa orasan. 10 pm na pala. Ang bilis ng oras, at ang bilis din ng pangyayari. Parang kanina lang ay masayang masaya kami pero ngayon, ah, para kaming namatayan sa sobrang lungkot.


Sana lang ay hindi talaga mangyari yon. Napabugtong hininga ako.

Makalipas ang ilang minuto, may babaeng naglakakad papunta sa direksyon kung saan kami nakaupo.


"Uhm, nandito ba si Caizer Perez? " biglang tanong nito. Kilala nya yung kuya ni Caitlyn?




Napabalikwas ng upo si Caitlyn at tumingin ng mariin sa babae. Parang kinikilatis nya ito. Kilala kaya nya yon?


" Oo, bakit. Sino ka ba? " owkay. So di pala nya kakilala, tsaka ang angas nyang magsalita kaya napataas ng kilay yung babae.

" Asawa lang naman nya ko. Ikaw, kabit ka ba nya? "

Ngumisi sya at tinaas din nya ang kilay nya. Ngayon ko lang syang nakitang nagtaray ng ganyan.

" Ako, kabit? Hah, grabe. "


" Sorry ah kung pinagdudahan kita. Itsura mo palang kasi eh. "


Wow. Sobrang taray nya ha, di nya alam kung sinong kinakausap nya.

" Itsura ko? Maganda. Eh ikaw? " mataray na sabi ni Caitlyn.

" So sinasabi mong panget ako ganun? "



" Ikaw nagsabi nyan, hindi ako. "


Namumula na yung babae, namumula sa sobrang pagkagalit. Mali kasi yung kinalaban nya eh, mali na kinalaban nya yung kapatid ng asawa nya kaso, hindi nya alam yun dahil hindi pa nagpapakilala si Caitlyn.



Siguro tinetest nya kung anong ugali nito? Hindi kaya ganoon yun?


" Oh? May dumaan ba na anghel para hindi ka magsalita dyan?"

" Ah. Sorry ah, mas pipiliin ko kasing manahimik kaysa mag aksaya ng laway sa walang kwentang kausap. "

" Ah, talaga? Walang kwentang kausap pala ha. Pag ikaw humingi ng tawad sakin, hindi kita papatawarin, tandaan mo yan. "

" Bakit naman ako hihingi ng tawad sayo? Hindi naman ako cheap kagaya ng nasa harap ko noh. "

" Cheap? Sige, tuloy mo lang yang panglalait mo sakin, baka mamaya, umiyak ka dahil makikipaghiwalay sayo yang asawa mo. "


Natawa ako, kaya napatingin sakin yung dalawa.

" Sorry, hindi ko napigilan. " sabi ko tsaka ngumiti sa kanila. Ganun din ang ginawa ni Caitlyn saakin. Habang yung babae naman, niroll lang yung eyes at naghalukipkip.

The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now