Julia
" Hi Juls! " tumabi sya sakin. Aba, ngayon nalang ulit kami nagkita ni Hana. Ngumiti ako sa kanya, lunch break ko na ngayon.
Isang araw na simula nung nagalit ako kay Joshua. Actually, hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun.
Oo, medyo galit ako sa kanya. Pero ngayon? Ewan ko, nakokonsensya kasi ako sa nagawa ko. Narealize ko na, baka nabigla lang din sya kaya nya nasabi yun and nadala lang sya ng selos.
Basta, bahala na sila sa buhay nya. Kung sino ang piliin ni Caitlyn, yun na yun. Gusto ko lang maging masaya sya. Pero may gusto ko padin si CJ. Ang kaso nga lang, masyado pa syang bata. 2nd year high school palang sya tapos si Caitlyn, 2nd year college na.
" Balita ko, mag rehearsal nyo na para sa pageant ah. " oo nga pala. Buti pinaalala nya sakin yun. Kahapon sinabi yun ni ma'am samin and exempted daw yung mga kasali kahit may classes sila.
May rehearsal din kami mamayang hapon hanggang 7. Hindi pa pala ako nakakapagpaalam kay mama. Ni hindi nga din nila alam na kasali ako dito eh.
Bakit kasi hindi ako pumalag? Bakit pumayag ako kaagad? Eh hindi ko naman 'to forte. Ayoko nung lagi akong nakamake up tsaka hindi din ako madalas nag susuot ng heels. Pero, hayaan na nga.
Ano pang magagawa ko? Eh hindi na pwedeng mag back out. Baliwala din yung mga pagrereklamo ko sa isip ko.
" Oo nga eh. Kinakabahan ako." mahina kong sabi.
" Wag kang kabahan. I know na ngayon mo lang ma eexperience 'to pero kaya mo yan, ikaw pa ba? " then she smiled at me. Ang lakas talagang magpa boost ng confidence nito.
" And para saan pa na nandito kami ni Caitlyn diba? We're here to cheer you up always, diba Cait? " napatingin ako sa likod ko, nandito pala si Caitlyn. Kamusta na kaya sya?
" Yeah right, Hana kaya there's nothing to worry about, Julia Faye. " then she winked at me. Mukhang sobrang saya nya ah. Ano kayang nangyari sa 'date' nila kahapon?
" Thank you guys ah. You two never fails to make me happy always. "
" Aww. You're always welcome, Juls! " niyakap ko si Hana. Ganun na din si Caitlyn. I'm so really blessed to have these kind of friends.
" Ipanalo mo ang BA! Wooo! " pasigaw nyang sabi. Di na sya nahiya! Hahaha. Nagtinginan tuloy yung mga tao dito sa canteen.
Oo nga pala, Business Ad din yung course nya pero freshman palang sya kaya hindi kami magkaklase.
" Baliw! Hahaha. " sabi ko sabay hampas sa kanya.
" Taray may pag cheer. " sabi naman ni Caitlyn habang kumakain.
" Syempre, proud eh. Hahaha. " sabay nag heart sign pa sya. Parang yung laging ginagawa ni Taylor Swift ganun.
Bigla nalang natapon yung iced tea na iniinom ko. Ay hindi, tinapon pala.
" Hey, you! " lumingon ako sa kanya then i suprisingly pointed my finger to myself. Kainis, bago pa naman tong pullover na suot ko ngayon, ang lamig kasi eh. Pero mas lalong lumamig nung tinapon nya sakin yung iced tea. Tss, sino ba 'to?
" Yes! You, b*tch! "
" Ako nanaman? Ano bang ginagawa ko sayo? " tumayo ako para maging kapantay ko sya. Seriously? She's getting into my nerves.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...