Chapter 18: Perfect Moment

603 29 2
                                    

Julia

"Kara..." napalingon ako sa likuran ko at nagulat ako ng makita ko si Kara.  Bakit nandito siya?

"So, 'yan ba yung inaatupag mo kaya hindi ka makatawag sakin?" Tanong niya. Tumingin siya saakin. No, mali yung iniisip mo.

"Kara please let me—"

"Don't explain. I don't need your explanation because it's all clear to me that you're cheating." What? Wait, no.

Tumakbo si Kara palayo pero nahabol kaagad siya ni JP at niyakap niya ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ako makagalaw. Feeling ko ako ang may kasalanan ng lahat ng to.

Mali kasi siya ng iniisip.

"Kara, please. It's not what you think. Mahal na mahal kita to the point na hinding hindi kita kayang lokohin." Ramdam sa boses niya na umiiyak siya kahit hindi ko nakikita yung mukha niya. Naaawa ako sa kanya. Ng dahil sakin, kaya siya nasasaktan ngayon. 

"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Kara. 

"Kara, please naman. Mahal kita kaya hinding hindi kita kayang bitawan." Sabi ni JP habang patuloy na umiiyak.

"Bitawan mo 'ko sabi!" Pag-uulit niya.

Bumitaw na sa pagkakayakap si JP kay Kara pero nagulat ako nung bigla siyang sinampal nito. Bakit...

Ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni JP kaya sobrang naaawa ako sa kanya. Bakit ba, Kara? Eh wala naman talagang kasalanan yung tao eh. Wala ba siyang tiwala sa boyfriend niya? Hindi ba niya ramdam na mahal na mahal sya ni JP? She's so immature

"Seven years, John. Seven years.  Itatapon mo nalang ba lahat 'yun?" No, hindi niya kayang gawin 'yun. Eh di sana, matagal na niyang tinapon yung relasyon nila kung wala ng love, diba?

"Kara...please maniwala ka saakin. Mahal na mahal kita." Sagot ni JP. He looks helpless now.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at lumapit na 'ko sa kanilang dalawa. Kung ayaw niyang marinig yung side ni JP, sana pakinggan niya yung akin.

"Kara, yung nakita mo? Wala 'yun. He's just comforting me. That's all. Wala ka bang tiwala sa kanya? Hindi mo ba nakikita na mahal na mahal ka niya?" Sabi ko. Kung tatayo lang ako, walang mangyayari. I had to be in between the two of them.

Natahimik silang dalawa na parang may anghel na dumaan sa harap namin . Sana marealize niya lahat ng sinabi ko. Dahil nakakapanlumo kapag naghiwalay sila katulad namin.

Bigla nalang tumulo yung mga luha sa mata ko. Heto nanaan tong pesteng luha na 'to na bigla bigla nalang bumabagsak. Bakit ko kasi inaalala?

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Kara at tumakbo na 'ko palayo . Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil nakapikit ang mga mata ko habang tumatakbo dahil patuloy na umaagos yung mga luha sa mata ko.

Tumigil na 'ko sa pagtakbo ng makaramdam ako ng pagod. Kailan ba to matatapos? Akala ko after three years, naka move-on na 'ko pero...akala ko lang pala 'yun.

Bigla kong naramdaman na may umupo sa tabi ko kaya inangat ko ang ulo ko at nagulat ako ng makita ko siya. Kaagad kong pinunasan ang mga luha sa mata ko at inayos ang sarili ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang inaayos parin ang sarili ko. Bigla kasing sumulpot.

"Ikaw ang dapat kong tanungin. What are you doing here? And why are you crying?" Tanong niya.

"Wala. May naaalala lang ako." Na hindi ko naman dapat alalahanin.

"Ano 'yun? Maybe...I can help?" 

The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now