Julia
"Sure ka bang dito tayo kakain?" Tanong ko. Bakit kasi...
"Bakit? Ayaw mo ba dito?" Tanong niya. Hay, ewan ko ba.
"Hindi ko lang kasi feel na kumain dito eh." Pagdadahilan ko. Tsaka...
"Ah okay. Sa iba nalang tayo." Nakaka-guilty naman kung ganoon. Hayaan ko na nga.
"Hindi, okay lang naman. Nandito na tayo eh." Pagpigil ko sa kaniya.
"Sure ka?" Sure nga ba ako? Hindi ko alam.
Naramdaman ko nalang na unti unting tumutulo yung mga luha sa mata ko.
Why am I being like this? Stop that stupid thing, Julia!
"Are you okay?" Tanong niya.
Okay nga lang ba ako? I think, hindi. Dahil mas lalo lang akong naiyak nung tinanong niya 'yun. Nakakainis.
Tinakpan ko yung mukha ko at hinayaan ko na yung sarili ko na umiyak. Wala eh, hindi ko kinaya.
"Shh, don't cry please." Pagpapatahan niya sakin.
Naramdaman kong hinahagod niya yung likod ko kaya inayos ko na ung sarili ko. Isa nanamang kahihiyan ang ginawa ko sa harap niya.
"Sorry ah? Iniyakan pa kita." Nakaka-guilty bigla.
"It's okay. I know a place kung saan... you'll be happy."
"Saan?" Tanong ko.
"Come with me." Sabi niya at bumaba na siya ng kotse at dali-daling binuksan yung pintuan sa tabi ko.
"Come on." Pag-aya niya sabay hinila ako papunta sa kung saan. Baliw lang? Basta nalang nanghihil? Tsaka, bakit naglalakad kami? Malapit lang ba doon yung pupuntahan namin?
Habang hila-hila niya parin ako, dumaan kami sa isang madilim na lugar at medyo magbato. Nakakatakot naman dito.
Maya-maya lang, nakakita ako ng isang tree house na napapalibutan ng mga magagandang ilaw. Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni JP.
"Hoy! Anong ginagawa mo!" Sigaw ko sa kaniya. Sino ba namang hindi magugulat sa ginawa niya?
"Chill ka lang, wala naman akong gagawing masama sayo." Alam ko naman.
Habang buhat-buhat niya parin ako, ramdam ko yung mabatong nilalakaran namin. Then finally, nakarating na kami dito sa may tree house. Pagkabukas nya ng pinto...wow, ang ganda.
Ito yung itsura ng bahay na gusto kong magkaroon ako balang araw. Ganitong-ganito 'yun. Yung puro wood yung parts ng mismong bahay, pati sofa—lahat. Kuhang-kuha ng bahay na 'to yung gusto ko.
"Wow." Ayun nalang yung nasabi ko. I'm speechless.
"Ganda, 'no?" Hindi lang maganda, sobrang ganda, as in.
" Yeah. It's so beautiful. Is this yours?" Tanong ko.
"Ah, oo. Pinamana sakin 'to ng lolo ko." Ang swerte naman niya.
"Ah..." And again, I am so, speechless.
"Upo ka." Umupo ako doon sa wooden na chair at nilibot ang tingin sa buong bahay. Punong-puno ito ng mga picture frames kung saan nandun yung pictures ng family niya.
Ang ganda nilang pamilya. Yung mommy niya, mukhang masungit pero maganda kagaya din ng kapatid niya yata 'yun. Tapoa yung father niya, kamukhang kamukha niya! Gwapo din. Perfect family kumbaga.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...