JuliaAw! Super sakit ng katawan ko!
Ano bang nangyari sakin? Nasaan ako?
Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko nakita ko si mama na aligagang aligaga sa pagtawag ng doktor.
"Anak are you okay?!" sabi ni mama na tila nag- aalala parin.
Teka? Hanggang ngayon ay di ko parin alam ang nangyayari sakin? At kung nasaan ako.
Isip, isip...
"Ngayon iiyak iyak ka? Bakit? Kasalanan mo naman diba? Papatol patol ka sa taong 'di mo naman kaya."
Ah, naalala ko na.
May isang walang hiyang lalaki ang nagtangkang ikulong ako.
And after nun, nahilo ako.
Teka? So it means nandito ako sa ospital?
"Ate? May amnesia ka ba? Bakit di ka nagsasalita! Nakatulala ka lang samin? Mawawalan na ba ko ng ate? Huhu, saklap naman!"
Nakita kong nasa tabi ko si mama at nasa harap ko naman si CJ, Caitlyn, at si Zach.
Ah, buwisit! Bakit ba nandito 'yang lalaking 'yan?
Aarestuhin na ba 'ko nito? Hays.
"H-ha?"
"Ate, nagka-amnesia ka na nga! Teka, tatawagin ko lang yung doktor!"
Ano ba naman tong si CJ, hindi ko alam kung nagjojoke 'to or nag-aalala eh.
"Huy wag ka ngang ano diyan!"
Nakita kong tumatawa lang si Caitlyn at si mama sa aming dalawa ni CJ.
Pero itong isang 'to? Ayun, lutang. Parang wala dito yung katawan niya.
Pero bigla kong nakaramdam ng awa habang nakatitig ako kay Zach, kasi feeling ko parang may napakabigat syang problema eh.
Huh? Weird.
"Ah kumain muna kayo, mag llunch na kasi eh. Caitlyn tsaka...ano nga ulit pangalan mo iho?" tanong ni mama.
"Zach po." Ang weird niya talaga ngayon. Parang bigla siyang bumait na ewan eh.
Siguro nagsisisi na siya sa nangyari. Sana nga.
"Ay sige po, salamat po tita." sabi ni Caitlyn.
Nakita ko na parang lulubog na sa kinatatayuan niya si CJ at sobrang pula rin ng mukha niya.
Di ko alam kung na fflatter siya na nahihiya na natutuwa na ewan.
Habang kumukuha ng pagkain si Caitlyn, biglang nagsalita si Zach.
"Uhm...tita, kailangan ko na pong umalis. May mga trabaho pa po kasi akong gagawin eh. Salamat nalang po sa inyo."
Infairness ah, parang ang bait yata niya ngayon?
Siguro nahihiya siya kaya ganyan.
"Ah ganun ba? Sige iho mag-iingat ka."
Bakit ba feeling ko ayaw niya kami makasama?
Bakit ko ba iniisip yun? Hays.
-----
Caitlyn
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fiksi Penggemar(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...