Chapter 35

541 20 1
                                        

Julia

Paakyat na ko ng kwarto ng biglang may kumatok. Aish. Pero teka, baka yung nagbigay na ng basket yung kumakatok.


Bumalik ako sa sala at binuksan ang pintuan. Sumalubong sakin ang isang babaeng fashionista at medyo chubby. Huh? Sino 'to?




Tinignan ko syang mabuti, at napansin kong ngumiti sya sakin kaya napa frown ako. Sino ba 'to?


" Oy, may pa kunot-noo ka pang expression dyan, papasukin mo nalang ako. "



" Huh? Sino ka ba? Close tayo? " kunot noo ko pading sagot sa kanya. Eh ano naman kung naka kunot yung noo ko? Eh sa hindi ko sya kilala eh.


" Omg oo nga pala. Why am I so feeling close agad? I forgot to introduce myself..." sabi nya sabay inayos ang kanyang tinding at napaubo. Wow ah.


" My name is----"


" Wait. " pagpuputol ko sa sasabihin nya. Napa nganga sya at kumunot ang noo sakin.


" Why? " mataray nyang tanong. Wow ulit ah, sya pa talagang may karapatang magtaray? Aba, ayos!


" Hindi ko naman sinabing magpakilala ka. " natatawa kong sabi dahil naka nganga padin sya habang sinasabi ko yun.

" Ay nagbago na sya oh! Huhuhuhu! "


" Ay oh! Ang arte! Sige na nga, magpakilala ka na! " sabi ko sabay nag ni roll ang mata ko.


" Psh. " sabi nya ng nakasimangot pero agad din namang napalitan ng ngiti yun. " Ehem, so...I am Kimberly Soriano. Your one and only beautiful and cute cousin! Hehe. "

Huh? Sino daw? Teka, processing parin yung mga sinabi nya sa utak ko.


" Hey there! No response, girl? " sabi nya habang natatawa. Wow ah, bumalik sakin yung ginawa ko kanina.



" Huh? Paki ulit nga nung sinabi mo. "



" Ay oh! Ang slow! " pangagaya nya sa sinabi ko kanina. Baliw 'to ah, walang originality.




I am Kimberly Soriano. Your one and only beautiful and cute cousin! Hehe.




Teka, pinsan? As in, pinsan?!



Napatingin ako sa kanya ng ilang segundo bago nanlaki yung mata ko. " Kim?! "



" Hay salamat! After 1 year nakilala mo na din ako----aray! "



" I miss you Kim! " sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.



" Aray ah! Haha. I miss you too! " sabi nya habang nakayakap din sakin. Kumalas na din ako agad dun at hinarap na sya.




Ang saya ko, after ng ilang years, nakita ko din sya. Miss na miss ko 'tong pinsan ko! Mga bata pa kasi kami nung huli kaming magkita, nag migrate sila sa Australia dahil dun sya gustong paaralin nila tita.



" So...kamusta ang buhay buhay? " tanong nya habang feel at home na nakaupo sa sofa.



" Okay naman. " sigaw ko habang kumukuha ng tubig sa ref. Kumuha nadin ako ng dalawang baso.



" Hmm. Kamusta naman si tita? Si CJ? "




" Ayun, si mama busy sa work nya, gabi na sya umuuwi everyday. Si CJ naman, ayun, malaki na, mas malaki na sya sakin haha. "



The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now