Chapter 20: Breakfast

613 29 6
                                    

Julia

Naalimpungatan ako sa sikat ng araw kaya bumangon ako agad without opening my eyes. Bakit ba hindi ko sinara yung kurtina ng kwarto ko kagabi?

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nagulat ako ng biglang ibang lugar ang nakita ko. Teka, is this a dream?

Kinurot ko ang sarili ko para malaman kung panaginip 'to. Pero nagkamali ako. Totoo pala 'to. So ibig  sabihin...nasaan ako?

Inikot ko ang aking paningin sa buong paligid pero maya-maya lang,  napatigil ako at nagulat ng makita ko ang isang lalaking tulog at walang suot na pang-itaas. Teka, nasaan ba talaga ako? Hindi kaya, pinag samantalahan ako ng lalaking 'to. Hala. Sana hindi.

Nagulat nanaman ako for the second time dahil bigla syang gumalaw kaya napahiga ako sa kama at pinikit ulit ang aking mata dahil ayokong makita niya kong gising. Dahil hindi pa ako handang makita kung sino man siya.

Lord, help me! Natatakot ako sa mga posibleng mangyari sakin.

Kaya mo 'to, Julia. You can do this.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ulit at nagulat nanaman ako for the third time dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Zach?" Tanong ko ng marealize ko kung sino siya.

"Yes, it's me." Nakangiting sabi nya sakin .

Ngayon ko lang na-realize na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya mabilis akong tumayo para makaalis sa kama niya pero sa kasamaang palad, nahulog ako. Ang sakit ng balakang ko. Kasalanan mo 'to, Zachary!

"Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong. Isn't obvious?

"Do you think I'm okay?" Tanong ko sa kaniya. Inirapan ko siya.

"Well, I guess so." Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na tumayo pero biglang sumakit ang ulo ko kaya napaupo ako sa sahig. Kaagad siyang lumapit sakin at inalalayan akong tumayo papunta sa couch dito sa kwarto niya.

Bakit naman ganito ang nangyayari saakin?

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong niya ulit. Worried?

"I'm okay." Kahit parang hindi naman talaga.

"Good. I'll cook our breakfast. Diyan ka lang, ha? Call me if you need something." Sabi niya.

"Okay."

Mabilis siyang umalis at naiwan akong mag-isa dito sa kwarto. Teka nga lang, bakit nga pala ako nandito?  Ano bang nangyari sakin?

Bumalik ako sa kama niya ng bigla akong makaramdam ng panghihina.  Hinayaan ko yung sarili ko na pumikit at bumalik sa pagtulog.

---

Bigla akong nagising ng bigla akong makaamoy ng kakaiba. Ito kaya yung nilulutong breakfast ni Zach?

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Zach na sobrang busy sa pagluluto.  Marunong pala siyang magluto? Akala ko puro pananakit lang ng feelings ng mga babae ang ginagawa niya eh.

"Marunong ka palang magluto?" Lumingon siya sakin at napatitig ng ilang segundo kaya kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya. Heto nanan tayo.

"Yeah. My real parents taught me how to cook before they...left." I nodded. 

"Ah, okay. Akala ko kasi hindi ka marunong magluto kasi mayaman ka eh." Well, ganoon naman kasi kadalasan.
 

"Ibahin mo 'ko." Confident na sabi niya sabay kindat sakin. Tignan ko nga kung may ibubuga itong lalaking 'to pagdating sa pagluluto.

The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now