Caitlyn
"About ba 'to sa nangyari ngayon or about sa nangyari sating dalawa?" sabi ni Zach.
"Zach please, wag ngayon pwede? Tsaka nalang natin pag usapan yan."
"Lyn, ang tagal tagal na nating hindi nag-uusap, and now is the chance para matupad yun. So please lets talk about it today."
"Okay fine! Mamayang 7 pm. Same place."
Ang kulit talaga nitong lalaking 'to! Pumayag ako hindi dahil gusto ko syang makausap, kundi dahil ayoko ng kulitin nya ko.
Napaka awkward na dito sa kinatatayuan namin.
Pero after a few minutes nawala ang silence between us nung nakita namin na papunta na dito yung family ni Julia na alalang alala ang mukha.
"Nasaan ang anak ko?! Nasaan si Faye!" sabi ng mama ni Julia na sobrang nag-aalala.
"Uhm, tita nandun po, samahan ko na po kayo sa loob." sabi ko sa kanya.
Pumunta na kami ni tita sa loob at iniwan si Zach at yung kapatid ni Julia sa labas ng kwarto kung saan nandun nakahiga at wala pang malay na si Julia.
-----
Zach
Nandito ako sa ospital ngayon kung saan nandito yung babaeng namahiya sakin at dapat ipapakulong ko.
Sobra ba yung ginawa ko sa kanya?
Alam ko na galit kayo sakin dahil pinagtangkaan kong ikulong si Julia dahil sa ginawa nya sakin kanina.
Alas- diyes na ng gabi at nandito parin ako sa ospital.
Medyo may pagsisisi rin ako na nadarama dahil kung hindi ko sana sya ipapakulong sana, edi sana wala kami at wala sya dito sa ospital diba ?
Ako nga pala si Zachary Lopez, isang napakayamang tao na kayang gawin ang lahat ng gusto nya.
Maraming naiinis at nagagalit sakin dahil sa ugali ko.
Isa kong badboy, bully at walang pakialam sa kung ano ang sasabihin ng mga tao sa Harding University, isang pangmayaman at makapangyarihang school sa Pilipinas.
Siguro naguguluhan din kayo sa ugali ko no? Na sa tingin niyo masama ako sa pang labas at mabait ako deep inside.
Dati, isa kong masayahin, matulungin, sweet , mapagmahal, at mabait na tao.
Nawala lahat ng yon ng dahil sa nangyari sakin in the past.
* flashback *
"Zachary, baby kumain ka na. Pinagluto kita ng paborito mong ulam."
"Yes ma, ito na po!"
Pumunta na 'ko sa dining table namin para kumain ng dinner.
Dun ako umupo sa gitna nina mama at papa, at sa harap ni ate.
Masayang masaya ako ngayon dahil kumpleto ulit kaming pamilya.
Dahil palaging nag tatrabaho sina mama at papa. At si ate naman, busy sa kanyang boyfriend.
Nandidiri nga ko sa kanila eh. Kasi kiss sila ng kiss sa harapan ko. Kadiri! Eww!
Hindi naman sila kagaya ng ibang mag boyfriend at girlfriend na sobrang PDA kahit sa public.
Para lang sa tingin ko na nakakadiri yun kahit hindi, kasi ayaw ko sila para sa isa't isa.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...