Chapter 5: Deal or No Deal?

861 27 6
                                    

Julia


Teka? Nananaginip ba 'ko?


Pakisampal naman ako oh.


Rereplyan ko na sana siya ng biglang dumating si mama.

"Oh anak, gising ka na pala. Heto, binilhan kita ng pagkain kaya kumain ka na."


Ganyan si mama, sweet. Di niya hahayaang magutom ako and mapagmahal rin siya, gagawin niya rin ang lahat para hindi kami mapahamak.



"Anak, bakit basa yung bed sheet? Umihi ka ba?"



"Ma naman! Natapon lang yung tubig na iniinom ko kanina!"

"Ah ganun ba, buti naman."


Grabe 'to si mama! Pero ang hindi niya alam na naibuga ko yung iniinom kong tubig kanina.



Dahil sa pesteng Zach na 'yan!




Tumayo na 'ko mula sa pag kakaupo ko at kumuha na ng pagkain sa table sa tabi ng kama ko.


Hmmm, ang sarap naman nito.


*ting*


"Anak phone mo ba 'yun?" Tanong ni mama na nag-aayos ng gamit para sa pag-uwi ko bukas.


"Opo ma."


Nilagay ko muna yung kinakain ko sa side table sabay kinuha ang phone ko. Nagmessage si Caitlyn.

'Julia nakalabas ka na ba ng ospital?'


Nag reply ako agad sa kanya. 


'Bukas pa daw sabi ng doktor eh.'


*ting*



'Sayang naman. Pupuntahan pa naman sana kita sa bahay ninyo =('



Huh? Bakit kaya siya pupunta sa bahay namin? Siguro may problema 'to.

'May problema ka ba Cait?'


*ting*


'Uhm wala naman, may gusto lang sana akong ikwento sayo. Tsaka namimiss na kasi kita eh :)'



'Sige. Punta ka sa bahay bukas mga lunch time tas nood tayo movies'



*ting*



'Sige. bukas na tayo mag-chikahan ah? Tulog kang maaga ah. Baka mag ka eyebags ka niyan, hahahaha :*'

'Loko! Haha. Sige ikaw din, ingat ka :*'


Pinatay ko na yung phone ko at pinagpatuloy na yung pagkain ko.

-----

Caitlyn

Hay. It was a tiring day for me, dahil marami akong pinuntahan ngayong araw.



Isa na dun ay yung dinner namin ng ex kong si Zach.

*flashback*


Pumasok na ko sa place na pinag- usapan namin ni Zach at hinanap siya.



The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now