Chapter 8: Find

627 30 10
                                    

Julia

Hanggang ngayon ay nandito parin ako sa elevator kasama si JP.



Ilang oras na kami dito, mag eeight na ng gabi. For sure nag aalala narin ang mga pamilya namin.



Bakit kaya wala pang nakaka-discover samin? Kawawa naman kami dito.

Wala pa 'kong makausap dahil tulog tong si JP.


Nabobored na ko dito. Buti pa 'tong isang 'to, tulog. Eh ako, alalang-alala na.


Wala naman kasing matinong games dito sa phone ko kaya wala akong magawa.


Tsaka hindi ko rin ginagamit yung cellphone ko para di malowbatt. Mamaya kasi, kailanganin 'to.

Speaking of cellphone, nag vibrate yung cellphone ko ng walang kaabog abog. Hay, sigurado akong si mama 'to, kanina pa kasi siya nagtetext sakin eh wala naman akong load.


Bakit kaya hindi pa sila gumawa ng action?

Wala kaya silang pakialam samin? Sakin?


Tinignan ko yung text at tama nga ako, si mama yun.


'Nak, where the hell are you?! Please answer me!'


I have an idea!


Bakit kaya hindi tumawag si mama sakin para malaman kung nasaan ako?


Bat hindi niya maisip yun, kanina pa?



Sana pumasok sa isip niya na dapat nya kong tawagan. Huhu.

----

CJ

Nandito na ko sa bahay. Dapat may basketball practice pa kami kaso nagtext si mama sakin kanina.


Sabi daw niya hindi pa daw nakakauwi si ate, kaya nagmadali akong umuwi.



Ni hindi na nga ako nag paalam sa mga kaklase ko eh--sa sobrang pag aalala kay ate.


Tinext na ni mama si ate ng paulit ulit pero hindi daw nag-rreply.

Tinext ko narin siya pero, wala padin.



Naubos na nga yung unli ko kakatext sa kanya eh.


Tinext na rin ni mama si kuya Zach . Sabi nya, ang alam daw niya ay umuwi na si ate dahil nag paalam raw ito sa kanya kanina.


Tinext narin ni mama si ate crush. Hindi rin daw nagreply.



Dahil sa ginawa niyang' yun, medyo nabawasan na yung paghanga ko sa kanya.


Dahil inisnob niya si mama at hindi sinagot. Siguro naman nakita niya na yung text ni mama, diba?



Pwede naman syang magpaload---baka hindi pinayagan mag paload dahil gabi narin.


Pero pwede naman syang mag-utos sa mga katulong niya na paloadan siya ah? O pwede rin namang makihiram siya ng cellphone sa mga katulong niya, diba?



Hindi kaya...nawawala din siya at hindi pa umuuwi sa bahay nila hanggang ngayon kagaya ni ate?



Hala hindi pwede! Paano kung may nangyaring masama sa kanya?!


Ah, hindi! Ano ba tong iniisip ko!


Walang nangyaring masama kay Caitlyn, wala.


The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now