Julia
Pumunta na kami sa may private room dito sa principal's office at umupo na sa may gilid ng table.
Nakaupo na kami dito at hinihintay si Mrs. Miguel na magsalita dahil may kinukuha pa siya sa may drawer.
Tinignan ko yung kasama ko dito dahil pakiramdam ko ay nakatingin nanaman siya sakin.
Pagkatingin ko sa mukha niya, naramdaman kong parang may lungkot sa kanyang mata.
Ano kayang problema nito? Teka nga, just mind your own business, Julia!
Umupo na yung principal sa swivel chair at nagbigay ng suspension letter samin dalawa.
Seryoso?! Suspended kami ng 2 weeks? Bakit ganun? Para namang napaka big deal ng ginawa namin kanina!
Sabi ni ma'am samin, mas okay na daw yung 2 weeks suspension kaysa sa 1 month plus patawag ng mga magulang namin kagaya ng usual na ginagawa sa mga na gguidance.
Mabilis lang kami kinausap ng principal dahil may kakausapin daw siya kaya lumabas na 'ko ng room na yun at ganun din ang ginawa ng babaeng 'to. Argh! Paano na yung grades ko? Baka matanggal ako sa scholarship neto dahil sa suspansion ko.
2 days palang, suspended agad? Hay nako.
Palapit na sana ako kila Caitlyn pero nakita kong kinakausap pala sila ng principal kaya lumabas nalang ako.
Tumingin ako sa watch ko at nakitang lunch na pala kaya dumiretso na 'ko sa canteen para bumili ng pagkain.
Nilabas ko na yung pera ko para magbayad sa binili kong sandwich at juice pero may pumigil sa kamay ko.
"Ako na magbabayad nito." Lumingon ako dun sa nagsalita at nakitang si Zach pala 'yun kaya ngumiti ako sa kanya sabay naghanap ng upuan na bakante pero nakita kong wala na kaya umupo nalang ako sa sahig.
Kawawa naman akong bata. Na suspend na nga, wala pang upuan.
Naramdaman kong may tumabi sakin kaya napalingon ako.
Bakit nadito nanaman 'tong lalaking 'to?
Lumingon siya sakin at ngumiti sakin ng nakakaasar, na akala mo naman gwapo siya pag gumaganyan siya.
Mas lalo lang akong naaasar sa kanya eh. Inirapan ko nalang.
"Akala mo naman, maganda ka kapag gumaganyan ka." Psh. The feeling is mutual!
"Bakit ka ba nandito, ha?" Tanong ko. Wala rin ba 'tong mahanap na upuan kaya wala siyang choice kundi tumabi sakin?
"Bakit, masama ba?" Tanong niya naman.
"Oo, masama." Sagot ko.
"Bakit naman naging masama 'yun, ah? Friends naman tayo, diba?" Friends nga ba kami ? Ewan ko ba.
"Alam mo ba ng dahil sayo kaya ako na guidance?" Aba, dapat lang na malaman niya kung ano yung idinulot niyang problema sakin.
"Dahil sakin? Paano naman naging dahil sakin 'yun?" Wow, tinanong niya pa talaga ah?
"Diba girlfriend mo yung ano? Yung Cashmere ba 'yun? diniin ko talaga yung pagkakasabi ng 'girlfriend' sa kanya dahil parang hindi niya naman alam na girlfriend niya 'yun. Isa kaya 'yun sa mga pinaglaruan niya ? Iba ka talaga, Zach.
"Hindi ko girlfriend 'yun noh." Sus, hindi daw.
"Eh ano mo 'yun?" Tanong ko naman.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...