Zach
"Sige, bye." Then I ended the call. Nilagay ko yung phone ko sa loob ng bag
Palabas na sana ako kung nasaan aki pero hinarangan ako ng isang lalaking matangkad. And take note, ang sama ng tingin niya sakin. Teka, parang pamilyar sakin yung mukha niya.
"Ano ba? Hindi mo ba nakikitang dadaan ako?" I asked. Sino ba kasi 'to?
"Ano bang ginawa ni Ate sayo?" galit niyang tanong. Teka, sino ba 'to? At sino yung sinasabi niyang Ate niya?
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Clueless kong tanong.
Napa-iling siya. "Kapatid ko lang naman yung kinulong mo sa loob ng gym"
Ah, naalala ko na siya. Siya yung nakita ko nung nasa ospital si Julia.
"Eh ano ngayon?" Sabi ko. Galit na galit.
"Bakit mo ginawa sa kanya 'yun, ha?" Galit na sabi niya sakin at maya-maya lamang, kinuha niya yung kwelyo ko at sinandal ako sa pader sa labas ng room na 'yun. Wow.
Pikit akong kumawala sa pagkakahawak niya sa leeg ko pero kahit anong gawin ko, hindi ako makawala sa kaniya. Tsk.
"Kung hindi sana siya nakatawag sakin, malamang kung ano ng nangyari sa kaniya doon." Mas lalo niyang hinigpitan yung hawak niya sakin.
Nung finally, nakawala na 'ko sa pagkakahawak niya sa leeg ko, bigla ko siyang tinulak at tsaka sinuntok ng paulit-ulit.
Hindi niya alam kung sino yung kinalaban niya. He deserves it.
---
Julia
Habang naglalakad kami ni CJ papunta sa canteen, tatanungin ko na sana siya kung bakit magkasama sila ni Caitlyn kanina pero laking gulat ko na wala na pala siya sa likod ko.
"Nasaan na 'yun?" tanong ko sa sarili ko.
Tumakbo ako pabalik pero bigla akong napahinto ako ng makitang may nagkukumpulang tao doon sa hallway.
Ano kayang meron?
Nung nakalapit na 'ko doon sa may kumpulan, narinig ko yung mga bulungan ng mga estudyante.
"Hala, may binugbog nanaman si Zach."
"Oo nga grabe, kawawa yung lalaki."
"Sayang naman yung face nung lalaki, gwapo pa naman."
Si Zach may binugbog? Tsk. Ang sama talaga.
Pilit kong sinisksik ang sarili ko sa mga taong nasa harapan ko pero hindi ako makasiksik. This is so frustrating.
Patuloy akong sumiksik pero wala pa rin. Ano ba 'to, hindi tuloy ako makadaan.
Tsaka kahit tumitingkayad ako hindi ko parin makita ang nangyayari dun kasi maliit ako.
"Miss, you need space?" Tanong ng lalaking nasa tabi ko.
"Huh?" clueless kong tanong.
"I mean, gusto mo bang dumaan pero hindi ka makadaan?" Sakto. Tumango ako sa kaniya.
"Ganito lang 'yan, just watch and learn." sabi niya sabay kindat sakin.
"Okay." Natatawa kong sabi sa kaniya.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...