Julia
Bigla akong natauhan nang naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Kaya naman napalayo ako sa kaniya.
"Sorry." Simpleng sabi niya at kaagad na tumakbo paalis.
What a day.
---
After an hour, finally, end na ng class namin. Anong nangyari sa akin kanin? Well, mag g-general cleaning daw ako sa field bukas nang isang oras as a punishment sa almost one hour na pagka-late ko.
Wow, destiny, may galit ka ba sa akin?
Naglakad na 'ko papunta sa exit para makauwi. Saktong pagkalabas ko, nakita ko si CJ na masayang kumakain ng isaw. Kaagad akong tumawid para makahingi ng isaw sa kaniya.
Nakakagutom kasi yung P.E class namin kanina
Hindi na siya nagulat nang huminto ako sa harap niya. "Uy. Kumain ka na, 'te?"
"What do you think?" Tanong ko.
Nag-isip siya saglit at kaagad na sumagot. "I think, hindi."
"Oh, eh bakit tinanong mo pa? Obviously, yes." Duh. Ang saya naman awayin nito ngayon.
"Tingin ko nga lang, dina? Eh malay ko ba na gutom ka pala. May pa obviously ka pang nalalaman diyan." Kainis, ang daming satsat.
"Ewan ko sayo." Sabi ko at
Kumuha na kaagad ako ng isaw na tapos ng ihawin ni manong at sinawsaw ito sa suka."Hala, ate, ba't kinain mo?" Eh kasi gutom ako?
"Bakit, masama?" Wow, ang sarap ng isaw.
"Oo. Kasi mabubutas nanaman ang wallet ko niyan eh. Ano ba naman 'to." Reklamo niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Sinabi ko bang ikaw magbabayad?"
"Hindi!" Sigaw niya.
"Oh? Eh hindi pala eh. Pero dahil mauubos na rin ang pera ko, kaya ikaw na magbayad." Natawa ako, mukha siyang nalugi nang marinig niya yung sinabi ko.
"Sabi ko na nga ba, ang end game, ako rin magbabayad. Kahit kailan ka talaga! Kelan ka ba magbabago? Presidente nga nagbago na ikaw hindi parin? Tsk!" Wow, dinamay pa nga pati yung Presidente.
"For your information my dear brother, wala ka pong sinabi. Bakit? Para namamg ngayon ka nga lang manlilibre eh. Paka-kuripot naman."
Sinamaan niya ako ng tingin. At inis na tinapon yung stick sa basurahan.
Nakakastress siya, ha. Pero okay, since nilibre naman niya ako, i-ttolerate ko muna yung attitude nito.Tinapon ko na rin yung stick sa basurahan at kukuha sana ng panibagong isaw nang pigilan niya ako. Aba.
"Oh? Bakit?" Reklamo ko. Napapatingin na si manong samin. Nakakahiya kasi 'tong kapatid ko, ang sarap itakwil minsan.
"Hindi ka pa ba nabusog?"
"Kapag ikaw nakakain ng isang isaw lang, sa tingin mo mabubusog ka?"
"Tama bang sagutin ang tanong ng isa pang tanong?"
Hindi ako sumagot. Bahala ka diyan. Kakain nalang ako.
"Oh? Bakit hindi ka makasagot?" Wow, naka cross arms pa talaga at nakataas pa ang isang kilay. Ang arte.
"Whatever. Let me eat my isaw peacefully."
Wala na siyang nasagot. Ano, ha? Ate mo pa kinalaban mo eh alam niya namang ako rin yung mananalo sa huli.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fiksi Penggemar(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...