Julia.
Lumingon ako sa kanya at napatayo din para magkapantay na kami." Ano bang katotohanan yung sinasabi mo? Bat parang ang dami mong alam?"
Ngumisi lang sya sakin. Psh. Kung kausapin nya kaya ko ng maayos? Akala nya kasi nakikipag biruan ako eh no.
" Na kabit ang mama mo. " sumama ang tingin ko sa kanya. Bwisit sya.
"So hindi ka naniniwala? Edi wag, hindi naman kita pinipi----"
" Kabit? Naririnig mo ba yung sarili mo? Pano naman magiging kabit ang nanay ko? "
" Tch. " sabi nya at hinila ako palayo. Aish! Ano bang ginagawa nya?
Narinig kong sumigaw si Hana pero hindi ko nalang pinansin. Ang sakit kasi ng pagkakahila sakin nitong lalaking 'to. May balak ba syang kaladkarin ako? Kainis lang ha.
Tss. Kailan ba sya hindi nakakainis?
Nandito kami sa parking lot ngayon. Teka, aalis kami?
" Pasok. " sabi nya at binuksan yung pintuan. I froze. Ano ba talagang ginagawa nya? Ano bang plano nya sa buhay?
" Sinabing pasok eh! " nagulat ako sa kanya kaya dali dali akong pumasok sa shotgun seat. Wow ha, takutin ba naman ako? Napahawak nalang ako sa ulo ko. Sumasakit kasi eh dala ng nangyayari ngayon.
Wihout looking at him, narinig kong sumara na ng malakas yung pintuan sa driver seat and he started the engine.
Maya maya lang, " Hoy! Ano ba?! Papatayin mo ba ko?! " Sabi ko. Pano, sino ba namang hindi mag ffreak out sa pag ddrive na ginagawa nya? Eh sobrang bilis kaya! Tsk.
Hindi nya ko pinansin. Patuloy parin sya sa pag ddrive ng sobrang bilis kaya hindi ko parin maiwasang sumigaw. Kapit na kapit pa ko sa seatbelt.
Ganto ba sya magdrive parati? What a careless driver.
After ng ilang minutes, biglang prumeno yung sasakyan nya kaya muntik na kong mauntog. Nakakabwisit! Iiwanan ko na talaga 'to eh!
Dahan dahan syang nag park at tinigil yung kotse. Kaagad akong bumaba at mabilis na naglakad palayo.
" Hoy! " sabi nya. Hindi ko sya pinapansin at naglakad parin ako.
" Hoy bumalik ka nga dito! " sigaw nya. Di ko parin sya pinapansin, hanggang sa...
" Aaaaahhhhh! " sigaw ko. Bigla nalang kasi nya kong binuhat at naglakad pabalik.
" Hoy! Bwisit ka! Ibaba mo nga ko! " hindi nya ko pinapansin. Hays. Bwisit! Nakakabwisit sya!
Hindi nya parin ako binababa. Ang galing diba? Tss.
Maya maya lamang, napasigaw ulit ako dahil bigla nya kong binaba. Wow ah. Ang galing mo talaga Zachary Lopez, nakakairita ka.
" Bat mo ba ginawa yun, ha?! " sigaw ko at hinampas sya ng malakas. Pero ang malas ko dahil ako pa yung nasaktan. Great.
" Eh ayaw mong makinig sakin eh! "
" Wow ah. Sino ka ba para pakinggan ko, ha? Isa ka lang namang walang kwentang tao na muntik na kong patayin dahil sa bilis mag drive! "
![](https://img.wattpad.com/cover/68771855-288-k37698.jpg)
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...