Julia
" Department of HRM. " akala ko, turn na namin. Kinabahan ako dun ah.
Pumunta na sila sa harapan para magsalita. Ang tangkad nung babae, konti nalang, matatangkaran na nya si Ms. Zoe.
Maganda sya, mukhang sanay na din syang sumali sa mga ganitong pageants. Yung lalaki naman, gwapo din, matangkad, at matipuno sya. Mukha syang nag ggym everyday, pinaghandaan nya talaga 'to.
Bagay sila. I think, may relasyon sila. Sila yung mga kaharap ko kanina and dahil dun, nasabi kong may relasyon nga sila.
" I, Charisse Marie Ferrer, from Department of Tourism. 18 years old. Bakit ko naisipang sumali dito? First of all, I am beautiful, smart, and I am full of confidence. So sa mga nagbabalak na kalabanin ako, oh please, tigilan nyo agad kung ayaw nyong mamatay. Alright? Hope that we could be friends. "
" And remember, you! " tumingin sya sakin bigla she pointed her fingers to me. Oh no! Bat hindi ko sya na recognize agad?! Seriously? Binigyan ko pa sya ng compilments sa isip ko pero ito pala yung babaeng yun...
Yung babaeng kinalaban ko nung isang araw at sinabing sya lang ang mananalo sa HU. Binabawi ko na yung sinabi kong maganda sya.
" Me? " tinuro ko pa yung sarili ko.
" BEWARE. " galit nyang sabi.
" Okay? So, should I be afraid? "
" Huh. Of course! "
" Wag mo ng patulan..." sabi sakin ni Zach. Woah, all of a sudden, bigla nalang syang nagsalita.
" Okay, sabi mo eh. You dangerous creature! " lumapit sya sakin. Sinabunutan nya ko. Problema nito?!
" Ouch! Tama na! "
" You all deserve this! You b*tch! " sabi nya habang gigil na gigil sa buhok ko. What the hell?! Nasasaktan na ko ah!
Hindi ko magawang pumalag sa kanya at gantihan sya. My hands feels so weak right now.
" Mamatay ka na! " pasigaw nya pang sabi.
" Hey, hey, hey! What are you two doing?! " sabi ni Ms. Zoe. Biglang tumahimik ang lahat. Bumitaw na din sya sakin.
" Ms. Ferrer and Ms. Montenegro! " tumayo ako sa pagkakaupo ko.
" Kindly explain what happened? "
" Ms, she started the fight. " paawa nyang sabi. Ako pa daw?
" Ms Montenegro, is it true? "
Di ako nakasagot agad. Nanghihina na ako matapos nung pagkakasabunot nya sakin. Ang sakit eh.
" Ms. Montenegro! " she shouted at me. Nanliliit ako sa sarili ko. Nakakahiya. Lahat ng tao dito saakin nakatingin, and they looks are really deadly. Parang mas kinakampihan pa nila si Charisse.
" See? Hindi sya makasagot diba? So it's true! " umiiyak na sya. Kapal nya naman.
" Why? " naglakad sya unti unti papunta sakin. Ang sama nadin ng tingin nya. What happened to the Ms. Zoe that i like earlier?
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...
