Chapter 46

498 13 0
                                    

Julia



Woah. Where am I? Nahanap na kaya si Zach?







Wait, bakit ba ako nag ccare sa kanya? Eh kasalanan naman nya na nawala sya diba? Why did he walks out earlier? 







Pero bakit, feeling ko, ako yung may kasalanan? Seriously? 






Minulat ko yung mga mata ko, nakita ko ang magandang kalangitan. Teka, kung kanina hinahanap ko si Zach, ngayon, nasaan naman ako? 






Tumingin ako sa gilid ko. Medyo malabo parin yung paningin ko. 







"Ay ang swerte ni ate oh, how to be her?" ako? Eh bakit naman? 





"Oo nga eh, may kasama syang gwapong natutulog." gwapo? At sino naman yu---






What?! 






"Hala," bigla kong sambit. Bakit sya nandito? Ano, gaya gaya lang? Dito rin natulog? 





Umayos ako ng pagkakaupo. Grabe, ilang oras ba akong nandito? 





I mean, ilang oras KAMING nandito? 





"Uy Zach," tinapik ko yung balikat nya ng ilang beses. Tss. 





"Mmmm," gumalaw sya ng onti. Nagulat nalang ako nung unti unti syang umuusog at lumalapit sakin. Wala akong nagawa kundi ihanda nalang yung aking lap kung sakaling mahulog yung ulo nya. 






And I was right, nandito na yung ulo nya sa lap ko. Ano ba namang klase 'to? Kanina, I was trying to wake him up pero ngayon? I ended up with this situation and I don't know how to deal with it. 




"Mmmm," seriously? Favorite nya ba yung letter 'M'? 






Biglang lumakas yung hangin. Nilalamig na ako. Iwan ko na kaya sya dito? Is it okay? 






Sa tingin ko, hindi. Pero anong magagawa ko? Ang hirap kaya ng sitwasyon ko. It feels like, parang pasan ko lahat ng problema nya. 




Unti unti kong inangat yung ulo nya. Grabe, di ko kaya. Pero habang inaangat ko ito, nagsalita sya. 




"I miss you..." nasamid ako sa sinabi nya. Was he saying that to me? Or sadyang assuming lang ako? 




Nananaginip ba sya? O, gising na talaga sya pero tinatago nya lang? Bakit sa tatlong syllables, at tatlong salita ay biglang dumami yung tanong sa isip ko? Big deal ba sakin yun? Psh. 





"Mama..." nakahinga ako ng maluwag nung sinabi nya yun. Isa, 





"Papa..." dalawa, 






"Ate..." tatlo. Miss na nya yung tatlong myembro ng pamilya nya. Ang pamilya kung saan sya lumaki, at ang pamilyang wala na sa tabi nya ngayon. 





Unti unti akong nakaramdam ng tubig sa aking suot. Nababasa na pala ako ng luha nya. Sobrang miss na nya siguro yung family nya. Base sa pagkkwento sakin ni JP nung mga nakaraang buwan, yun daw yung naging dahilan kung bakit sya naging ganyan. Kulang siguro yung nabibigay sa kanyang atensyon. 






Napatingin ako sa mukha nya. And sakto pa, napatingin din sya sakin. Gising na sya, finally. Tila nagulat sya nung hinawakan nya yung mukha nya. Hindi nya siguro alam kung bakit sya umiyak, nananaginip siguro sya kanina. 







The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now