Zach
Hinawakan ko yung relo. Nandito pala 'to sa bag ko, matagal na.
Hindi ko 'to ginamit kahit minsan. Gusto ko kasi pag nahanap ko kung sino yung nagbigay nito, gusto kong ibalik sa kanya.
Hindi ko deserve yung ganito kamahal na gamit. Hindi ko deserve na mabigyan ng kung ano mang materyal na bagay. Hindi ko desreve na magkaron ng isang taong handang sumuporta sakin.
Kung sino man sya, sana mahanap ko na sya. Gusto kong tanungin kung bakit nya nalaman na gusto ko ito? Eh ako lang naman ang nakakaalam na inaasam ko itong bagay na 'to dati pa.
Oo gusto ko ito. Pero nung napasakin na? Hindi ko matanggap.
"Problema mo?" Mabilis kong nilagay yung relo sa bag ko. Nandito si Caitlyn. Nakakagulat yung pagpunta nya dito.
Nakita kong napasimangot sya. Pero bumawi naman din sya ng isang ngiti.
" Ano yun? " umupo sya sa tabi ko. Pilit nyang kinukuha yung laman ng kamay ko. Nilayo ko yun sa kanya.
" Damot naman. " hinalukipkip nya ang kamay nya. At tila ba nadismaya sa ginawa ko. Ang cute nya tignan, parang bata.
" Joke lang. Iyak ka na ba? "
" Di noh. " ngumiti sya sakin bigla.
"Share mo naman kase! " pagpupumilit nya padin. Lumingon yung mga tao sa paligid namin, ingay kasi.
"Ang ingay mo, psh. " pagrereklamo ko.
" Sorry na po, tao lang. "
" Oh, " inabot ko sa kanya yung sticky note na kasama nung relo. Sabay ko kasi silang hinawakan.
Binasa nya yung nakasulat, "i will always be your number one supporter in every aspects of your life, Mr. Zachary Lopez."
Napatigil sya. Tumingin sya ng maigi sa sulat. Napangisi sya bigla.
" Nakuha mo pala 'to?"
"Huh?"
" Loko, ako nagbigay nyan. " oh? Paano nangyari yun?
" I-ikaw? " nagtataka kong sabi? Nagulat din sya sa inasta ko.
" Wow, common sense, Zach. Seriously? " gulat nya pading sabi. Hindi ko sya naiintindihan.
" What do you mean? "
" Aish! Wala ka talagang idea na ako yung nagbigay nito? So may inaasahan ka pa bukod sakin? What a cheater. "
" Ah, oo. Ewan ko nga din eh, hindi kita naisio kaagad kasi, diba nga naging cold ka na sakin after nun? So di na kita naisip. Tsaka, hindi ako cheater noh. "
" WOW. Wow naman talaga, Zach. Ginalingan mo eh. 'Di cheater? Aba ang galing mo mag joke. "
" Di ka pa ba tapos sa topic na nyan? Sawa na ko dyan, Cait. "
" Okay, okay, sorry. HINDI ka nga pala cheater, " she emphazizes the word, 'hindi'.
" Kuno! " pasigaw nyang sabi, ang sakit sa tenga.
" Aish! Shut up! " hinawakan ko yung tenga mo.
" Joke lang. Iyak ka na ba? " panggagaya nya sa line ko.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...