Chapter 34

574 18 4
                                    

Julia



Hi, Julia. I just want to give it to you kasi nabalitaan ko na may sakit ka. Sana, gumaling ka na. And i hope na you'll eat all these fruits ah, mahal yan, just kidding. Take care always, love.



From: ...







Sabi sa card. Huh? Sinong nagbigay nitong basket na puno ng fruits? At bakit, may love? May secret admirer kaya ako?








Wow lang ah. Hindi ko 'to inexpect. Tsaka, paano nya nalaman na may sakit ako? Eh dalawang tao lang naman ang nakakaalam nun.





Si Zach at si CJ. Hindi naman pwedeng si CJ, wala ngang pera yun eh, tsaka hindi 'yon marunong mag English. Tsaka isa pa, hindi nya ko tatawaging love. Yuck.





Hindi rin naman pwede si Zach yun. Eh kakapunta lang nya dito sa bahay. Tsaka yun? Bibigyan ako ng fruits? Asa. And remember, enemies nga kami.



Sino kayang nagbigay nito? Nakaka curious ah.




-----



CJ.




" Phew! " sabi ko ng huminto ako sandali sa gilid ng kalsada. Nakakapagod. Tumakbo kasi ako mula sa bahay hanggang dito. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro, gawa ng ma llate na ko sa school kaya ganun.






Kinuha ko muna yung cellphone ko sa bag ko para tignan yung oras. 1:40 na pala. 20 minutes nalang, ma llate na talaga ko.





Maya maya, may nakita akong naka jacket na lalaki na naglalakad papunta sa direksyon ng bahay namin. Wow, ang init init tapos nag jacket sya? Anong trip nito?





Napakunot yunt noo ko. Bakit sya may hawak na basket? Punong puno din kasi sya ng prutas.





Tss. Bakit ko ba sya pinapakialaman? Buhay nya yan eh. Makaalis na nga.



Maya maya, nagulat ako nung biglang may muntik ng makasagasa sakin. Luh, bwisit 'to ah.



" Oh my God! Are you okay? " sabi ng isang matangkad na babae na naka shades at mukhang mayaman. Malamang, may kotse nga eh.




Napatulala ako sa kanya. Tinanggal nya kasi yung shades nya at nakita ko yung mata nya na....sobrang nag aalala.




Aba dapat lang! Naglalakad naman ako sa gilid tas bigla nya kong sasagasaan? Nakakairita lang. Hindi ba sya marunong mag drive? Tch.





" Hello! Are you listening? " sabi nya. Wow, englishera? Bigla kong kinuha yung panyo ko sa bulsa ko. Mahirap na.






" A-ah? M-me? "





" No.....me. " sarkastiko nyang sabi.





Ganto pa yung itsura nya ---->>> --__-- . Kala mo naman, kinaganda nya yan.





Pero infairness, maganda sya. Medyo chubby nga lang.





" Tss. "






" Okay look, I'm sorry. Kakatuto ko lang kasing mag drive and sorry dahil, hindi kita nakita." Tss. Ang arte naman, marunong naman palang mag tagalog. At tsaka, hindi nakita? Ano sya, bulag? At tsaka, bakit kasi sya nakasuot ng shades? Ano sya, action star?





The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now