The long wait is over! :)))))
-----
Zach
" Zach! Itigil mo na tong kalokohan na to! " dahan dahan akong tumingin sa likod ko at nakita si Mama na na nakatayo sa di kalayuan sa kinatatayuan ko.
" Itigil mo na to anak, mag usap tayo. " sabi nya at lumapit sakin at hinila ako paalis. Nakita kong nag give way yung mga tao dahil nakaharang sila sa dadaanan namin.
Teka, ano bang problema ni mama? Bakit nya ko pinapatigil? Totoo naman lahat ng sinasabi ko ah.
Pumunta na kami sa parking lot at naglakad lakad para makita yung kotse ni mama.
" Anak, bakit mo ba ginawa yun? Nag eskandalo ka pa dito. " sabi nya habang nakasandal sa upuan. Nandito na kami sa kotse ngayon. At nakakabadtrip, hindi pa pinapaandar ni mama yung kotse. Tss. Sermon nanaman aabutin ko nito.
" Ano ba Ma! Diba ikaw narin mismo yung nagsabi na dapat magalit ako sa kanya diba? Tapos sasabihin mo......aish! " hinampas ko yung libro na hawak ko.
" Anak, huminahon ka nga muna. " pagbabanta ni mama.
Makakahinahon ba ko nito? Eh kanina pa umiinit yung ulo ko eh.
" Anak naman, bakit mo ba sya ginaganun? "
" Ma, nakakapang-init na kasi sya ng ulo. "
" Anak sorry ah pero, narealize ko na, hindi ka naman pala dapat na magalit sa kanya."
" Bakit naman? "
" Kasi anak, yung nanay naman nya yung kumabit sa papa mo, hindi naman sya. "
Wow ah. Wow lang.
" Pero ma, nanay nya yun, kadugo nya parin yun. Malay mo, nananalaytay sa dugo nya yung pagiging----"
" Wag mo na ituloy anak. Basta kung anong sinabi ko, yun na
lang yung sundin mo, pwede? "" Pero ma, "
Di ko na tinuloy yung sasabihin ko at napabugtong hininga nalang ako.
Pero kahit anong sabihin ni Mama, galit parin ako sa kanya. Lalo na sa nanay nya, dahil sinaktan nya si Mama dahil kumabit sya kay papa noong namatay na yung asawa nya.
Paano nya nagawa yun? Napakasama nya talaga. At ganun din yung anak nya. Diba sabi nga nila, like mother, like daughter. So i think, ganun din si Julia.
" San mo gustong kumain anak? " biglang tanong ni Mama habang nag ddrive sya papunta sa maraming restaurants.
" I just want to rest ma. "
" Ah okay. Teka, punta lang ako dun sa Shakey's, mag ttake out nalang ako kung sakaling magutom ka."
" Okay. " sabi ko at nag park na sya. Bago sya makaalis, hinawakan nya muna ko sa balikat ko.
" Pag isipan mo lahat ng sinabi ko sayo anak ah. " sabi nya sabay ngumiti sakin. Hay.
Pagpapatuloy ko pa ba 'to? O hindi na? Bahala ha. Ayoko munang isipin yun, sakit lang 'to sa ulo eh.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfic(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...