Julia
Bakit siya nag-I love you kay Caitlyn? Sila na ba? O baka nadulas lang siya?
"H-huh? Anong I love y-you?" nauutal na tanong ni Caitlyn.
Narinig kong pinatay na ni CJ yung cellphone kaya natigil na yung usapan nila.
Hmm, iniwan sa ere? Tsk.
Kumatok ako sa kwarto para kausapin si CJ pero hanggang ngayon ay hindi parin niya binubuksan.
"CJ! Open the door please?" Pagtawag ko ulit.
"Bakit ate? M-may problema b-ba?" Tanong niya.
"CJ please, papasukin mo nalang ako, pwede?" Sigaw ko.
"Bukas naman 'yan ah?" Ay shunga? Bakit hindi ko binuksan 'to kanina pa? Sumakit tuloy yung kamay ko kakakatok. Hay.
Pumasok na 'ko sa kwarto at nakitang nag llaptop parin si CJ kahit mag- eeleven na ng gabi.
"Joey, bakit hindi ka pa natutulog?" Pagsaway ko.
Hindi siya umimik at ni hindi rin tumingin sakin. Ano bang problema nitong taong 'to?
"CJ." Mahinang tawag ko sa kanya. But still, hindi parin siya umiimik.
"Ano bang problema mo CJ? Sabihin mo nga sakin, ha?"
Napasigaw na ko sa galit dahil hindi parin siya umiimik kahit naririnig niya naman.
Hindi kaya...galit sakin 'tong taong 'to?
Hindi kaya narinig niya talaga yung usapan namin ni Zach?
Nakakainis naman kasi yung taong 'yun eh! Kailan ba siya magbabago?
"Okay fine. Narinig mo ba yung usapan namin ni Zach?" Tanong ko.
"Oo ate, narinig ko." Napatango ako. Sabi ko na eh.
"Okay. Nagpanggap kami na may relasyon para mapagselos namin si Caitlyn." Pag-eexplain ko. Kasi bakit hindi ko pa sasabihin yung totoo eh narinig na nga niya?
"P-pero ate bakit mo ginawa---"
"Sandali nga lang, pwede? Patapusin mo muna ko." Pagpuputol ko sa sinasabi niya. Napa-irap nalang ako.
"Kaya namin ginawa 'yun at kaya ako pumayag sa napaka walang kwentang deal na 'yun ay dahil ayokong makulong." Pagpapatuloy ko. Hay, pag naaalala ko 'yun, naiinis ako eh.
"ANO?! Ate makukulong ka? Bakit? Kailan? Paano?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Ipapakulong niya ko dahil sinampal ko sya. " Hay, nakakainis parin talaga.
"B-bakit mo siya sinampal ate?" Tanong niya. Puro na siya tanong simula kanina pa.
"Dahil sinampal niya yung bestfriend ko. " Kilala naman niya kung sino 'yun so hindi ko na sinabi yung pangalan.
"Ano? Bakit? G*go yung Zach na 'yun ah. Hindi niya dapat sinaktan yung taong mahal ko." Oops, may nadulas ata.
Mukhang nagulat siya sa sinabi niya kaya napatakip siya sa bibig niya.
"Anong sabi mo? Paki-ulit, please? Hindi ko kasi narinig eh." Pang-aasar ko habang nagpipigil ng tawa ko.
"W-what I meant to s-say is dapat, hindi niya sinaktan 'yun dahil babae 'yun. Lalo na't ex-girlfriend niya 'yun." Pagpapaliwanag niya. Sus, ang defensive naman.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...