Chapter 28

574 20 1
                                    

Julia.

One week later...



" Julia! " narinig kong tawag sakin. Lumingon ako agad sa kanya at nilapitan sya.


" Oh? Bakit? "



" Uhm, busy ka ba mamayang gabi? " bakit nya tinatanong kung busy ako? Weird nya ngayon ah.


" Ah, hindi naman. Bakit? "


" Oh, that's good. Pwede bang mag hangout tayo? "


" Sure, saan ba? "


" Doon lang sa amusement park na 1km away lang sa bahay namin. " wow. Nag open na pala yun? Huling daan ko dun last week pa eh. Tsska, malapit lang pala sa bahay nila yun? Di pa kasi ako nakakapunta sa bahay nila eh.


" Ah sige, anong oras? "


" Daanan nalang kita sa bahay nyo later, okay? "


" Sige, okay. "


" Sige, salamat! "


Paalis na sana sya pero tinawag ko ulit sya.


" Hana! " kaagad nya kong nilingon at tinignan ng nagtataka.


" Pwede bang sumama satin si Caitlyn? "



" Caitlyn? Yung bestfriend mo? " tumango ako sa kanya kaya napa 'ah' sya.


" Okay, sige. "


" Salamat! " sabi ko sabay nginitian sya at naglakad na palayo.


Pumunta na ko sa canteen para kumain ng lunch. Anong oras na pala, 1:25 na pala ng hapon. Tagal ko rin palang nakipag usap kay Hana.


Bakit kaya bigla syang nag aya sa bagong amusement park? Hindi kasi yun ang pagkakakilala ko sa kanya eh. Akala ko isa syang studious na tao na sa bahay lang parati at nagbabasa ng libro. Ilang beses ko narin kasi syang nakita sa library eh.



Pero mahilig pala syang mag hangout? Pero okay narin sakin yun, ang tagal ko narin kasing hindi lumalabas eh. Huling labas ko ay sa grocery last week kung saan, nakita ko si Cashmere.



Speaking of Cashmere, ang tagal ko na syang hindi nakikita sa school. After kong mabasa yung post nya sa twitter na tungkol sakin, expected ko na gagantihan nya ko the next day pero hindi.



Ni anino nga nya hindi ko nakita eh. Ano kayang nangyari dun?



Hay. Bakit ba ko naging concern sa kanya? Eh in the first place, may ginawa sya sakin na paninira. Wag ko na nga lang sya isipin, magiging problemado nanaman ako eh.



Tinignan ko yung pagkain sa canteen. Caldereta, Beef broccoli, at chicken cordon bleu ang mga ulam dito.



Bigla kong naalala si Caitlyn sa cordon bleu, saan na ba yung babaeng yun? Kahapon pa kasi kami huling nagkita nun eh.



Biglang may dalawang kamay na tumakip sa mga mata ko.  "Hulaan mo kung sino ako. "


Sino ba 'to? Bigla bigla nalang mananakip ng mata, hindi tuloy ako makakita.


" Caitlyn? "



Napa 'aw' sya kaya bigla akong natawa.


" Bakit ka naman natatawa? "


The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now