Julia
" Pwede ba tayong mag usap? " o-oh. Kinakabahan ako. Tungkol saan naman kaya yung pag uusapan namin?
" But, mas mabuti siguro kung sa private place tayo?" Then she gave her sweet smile.
" Uhm...s-sige po. "
" Follow me. " then nauna na syang naglakad. Sinunod ko lang sya hanggang sa nakarating kami sa parking lot ng HU. Pumasok kami sa loob ng sasakyan nya. Ako sa shotgun seat at sya naman sa driver's seat.
Ang init.
" I just want to say sorry, sa lahat ng ginawa ko sainyo ni Dennise mo. " Dennise. Yun yung second name ni mama.
And si tita Sarah lang ang tumatawag sa kanya nun, pati si papa...
" Alam ko na naging malabo yung sitwasyon naming tatlo and i'm so sorry kung nadamay kayo ni Zach.
Yeah, ang complicated ng sitwasyon nila.
Ganito kasi yun, wayback when they're high school students, magkakasama na silang tatlo or should I say, mag bbestfriends sila. Yung tipong, hindi sila mapaghiwalay ganun. Then yun, dati palang pala, nagustuhan na ni papa si tita Sarah. Okay naman yun kay mama dahil wala naman syang nararamdaman para kay papa noon. Mag bestfriend lang talaga, hanggang dun lang.
Hanggang sa umabot ng college, naging sila ni papa at ni tita Sarah. Almost 5 years ata. Then yun, nung grumaduate sila, nagtrabaho si tita Sarah sa America dahil nandun yung parents nya. So yun, ldr. After a year, nag break sila dahil ang hirap ng sitwasyon nila. Si papa yung nakipag break, nahihirapan na kasi sya. Pero mahal pa nila ang isa't isa. Hanggang sa ayun, nahulog si papa kay mama dahil all those years, sila na talaga yung magkasama.
Then yun, tinago nila yun kay tita Sarah dahil alam nila na mahal nya padin si papa. Then yun, nung umuwi si tita Sarah after a year, nalaman nyang kasal na pala sila and magkakaroon na sila ng anak which is me. Nung nalaman nya yun, sinabi nya sa parents ko na kapag nagkaanak sya, sasabihin nya sa magiging anak nya na awayin ako at gantihan ako bilang ganti sa ginawa ng parents ko. Kumbaga, sakin at kay Zach ipapasa lahat ng galit.
Kaya ngayon, pinagtagpo kami ni Zach ng tadhana para maging enemies. And natupad naman yung sinabi ni tita Sarah dati. She succeeded.
" Pasensya ka na talaga, kung dinamay pa kita sa away namin ng parents ko. Sorry sa pagiging immature ko noon. Bakit ba kasi hindi ko nalang tinanggap na sila na pala talaga para sa isa't isa? Alam mo hija, nung namatay yung papa mo, sobrang pinagsisisihan ko yun, nagalit ako sa sarili ko, ako kasi yung may kasalanan kung bakit hindi na kayo buo ngayon. " mahabang paliwanag nya. She's crying right now kaya dahil dun, napaiyak na din ako.
Ang sakit kasi eh. Hanggang ngayon, hindi ko padin matanggap na wala na yung taong nandyan para sakin at yung taong laging nagpapasaya sakin...si papa.
" Nung pumunta ako sa burol ng papa mo, kinausap ako ng mama mo. Simumbatan nya ko, sinaktan nya ko, minura nya ko, sinabi nya na sana ako nalang yung namatay. Napakasakit sakin nun, hindi ko matanggap na yung dating bestfriend ko, kinamumuhian na ko. " nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi nya yun.
" Nung araw na yun, nagalit ako sa kanya, sobra akong nagalit sa kanya. Naisip ko ulit yung sinabi ko sa kanila noon. And ginawa ko sya. Hindi ko alam kung bakit, kung bakit gaganti pa ko eh wala na namang saysay yun. Kaya ayun, galit nadin si Zach sayo."
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...