Julia
" Please Julia hija. Sya nalang yung nag iisa naming anak at ang masaklap dun, hindi namin sya tunay na anak. Kaya sana, please...mahalin mo narin sya. "
" Ano bang akala nyo sakin tita, madali kong maturuan yung puso ko? Tita galit ako sa kanya! Alam nyo naman po yun diba?! " napataas yung boses ko sa kanya. Nagulat din ako sa inasal ko.
Pero ang hirap kasi ng sitwasyon ko! Uutusan kong mahalin yung sarili ko? Ano ako, tanga? Akala ba ni tita, madali lang yun? Sabagay, hindi nya kasi naranasan yun.
" Pero pwede namang kalimutan mo nalang, at patawarin mo sya. Please Julia.."
" Eh pano pag hindi naman po nya ko mahal? Tapos, mahal ko na sya? Edi ako naman magmumukhang tanga nun. "
" Hindi pa po kasi kayo sigurado sa nararamdaman nya eh, hindi rin po ako sigurado. So, wala po tayong assurance tita. "
" Tanungin mo sya hija. "
" Tita bakit parang mali lahat ng pinapagawa nyo sakin? Pag tinanong ko sya, ang kalalabasan nun, may nararamdaman ako sa kanya. Ano naman yun tita diba? "
" Basta wag mong sasaktan ang anak ko. Pag sinaktan mo sya, ako ang makakalaban mo. Sige, kailangan ko ng umalis. "
" Sige po tita, salamat sa time ninyo. " sabi ko sa kanya kahit medyo naiinis ako sa kanya.
Bakit nya ba kasi pinagpipilitang mahalin ko si Zach? Can't she see na ayaw ko nga sa kanya? Na simula nung party, eh kinamumuhian ko na sya? Like, whay the hell!
Sinarado ko ng malakas yung pintuan. Nadala lang siguro ako sa galit ko. Hindi ko alam kung bakit pero, i'm crying really hard right now.
Naglakad ako ng malumanay, ng mahina. Nagulat nalang ako ng bigla akong napaluhod sa sahig.
Nahihirapan kasi ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na, hindi naman pala sya galit sakin. Bakit nya ginagawa yun? Bakit nya ko paulit ulit na sinasaktan? Pwede naman nya kong palayuin ah, para isang bagsak nalang yung sakit, hindi na paulit ulit.
Simula nang dumating sya, nagkanda- gulo gulo na yung buhay ko.
" Don't cry, just take this. " may biglang nag abot sakin ng panyo. Tinitigan ko muna yung kamay nya at yung panyo, hindi pamilyar sakin.
Ang bait naman nito. Sino kaya sya? Pero, ayoko syang harapin ng ganito yung itsura ko. Basang basa yung buong mukha ko.
Di nagtagal, kinuha ko narin ito at nilagay sa buong mukha ko. Mas lalo akong naiyak sa inasal nya. Dahil sa tuwing may nag papatahan sakin, umiiyak ako lalo. Kahit wala pang sinasabi itong nasa likuran ko.
" Ayokong nakikita kang umiiyak. Nasasaktan ako. " napatigil ako sa pag-iyak.
Nasasaktan? Anong ibig nyang sabihin dun?
Pamilyar yung boses nya. Hindi kaya...
Tumayo ako at lumingon sa likuran ko. Hindi ko na sya nakita pa...
-----
Zach
Napatigil na ko nung nasa loob na ko ng campus. Nakakapagod.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...