Julia
Pumasok agad ako sa bahay dahil natatakot ako sa posibleng mangyari.
Sino siya? Anong ginagawa niya sa tapat ng bahay namin? May galit kaya 'yun sakin? Masamang tao kaya siya? Hay, too many questions. Sana mali 'tong iniisip ko.
Umakyat na 'ko papuntang kwarto dahil pakiramdam ko sobrang pagod ako. Sumilip ako sa kwarto ni Mama pero wala siya doon. Nagiging sobrang busy na siya sa trabaho niya kaya madalas nalang siyang makauwi ng bahay.
Sinilip ko din yung kwarto ni CJ pero nakita kong tulog siya kaya hindi ko na siya nilapitan. Gusto ko pa man din siyang kausapin tungkol sa feelings niya sa bestfriend ko.
Bestfriend ko parin ba siya? After everything that happened between the two—I mean, he four of us dahil involved dito si Zach at tsaka si Cashmere.
Sana hindi magbago kung ano yung meron kami ngayon ni Caitlyn dahil ayaw ko siyang mawala sakin.
Humiga ako sa kama habang nakatingin sa mga pictures namin ng family ko. I miss the old times. Yung kompleto pa kami, yung family dinner namin lagi sa Japanese restaurant, yung pagpunta namin sa amusement park kada buwan...lahat 'yun, miss ko na.
Sana nandito parin si Papa. Sana hindi niya kami iniwan para walang nagbago.
Unti-unti kong naramdaman na may luha na palang gustong kumawala sa mga mata ko kaya pinunasan ko agad 'yun.
Gusto kasi ni Papa, lagi kaming masaya. At kapag umiiyak kami, pakiramdam niya, siya yung may kasalanan kaya lagi niya kaming pinapasaya sa mga oras na down kami ni CJ.
Hay, I miss my father. In-open ko yung Facebook account ko para hindi na ako malungkot. It's been a long time since nakapag-open ako since busy sa school at distraction 'yun sa pag-aaral.
5 friend requests, 28 notifications, 2 messages.
Ayan yung bumungad sakin dito. Sino kaya 'tong nag friend request at nag message?
Una kong binuksan yung mga friend requests.
Zachary Lopez, Hana Dela Torre, Joshua Villanueva, John Narcillo, Kara Rosario.
Ah, okay. Mga kakilala ko pala sila kaya in-accept ko na. But wait, sino yung Kara Rosario?
Tinignan ko yung profile niya at nakita ko agad yung bio niya at cover photo. Si JP yung cover niya at yung nakalagay sa bio niya, 'John Paul Narcillo is my forever'
Wow. 'Yun nalang yung nasabi ko sa sarili ko. Ito pala yung sinasabing girlfriend ni JP? In fairness, maganda siya And I also do find them perfectly matched for each other.
Nag scroll down pa ako sa profile ni Kara at nakita ko yung mga pictures nya na nasa America. Wow, long distance relationship? Mabuti nakakaya nila. Sabagay, kapag mahal niyo ng tunay yung isa't isa, lahat makakaya niyong gawin.
At nakita ko yung recent na status niya...
'What's happening to you, John? Hindi na ikaw yan.'
Huh? May problema ba sila ni JP? Speaking of JP, oo nga pala, may dinner kami ngayon!
Kaya ba siya nag-aya ng dinner is para may mapag sabihan siya ng problema nya? Tinignan ko yung oras and it's already six in the evening.
I am about to log-out my account ng biglang may nag pop-up na message. Kanino kaya 'o galing?
Mag log-out na ba ko or titignan ko muna yung message? Baka kasi importante eh pero importante din 'tong dinner dahil 6:30 na.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fiksi Penggemar(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...
