Julia
Habang nakayakap ako mula sa likod ni Caitlyn, may biglang humila sa braso ko at...
Hinalikan ako.
Nakaramdam ako bigla ng kuryente na dumaloy mula sa aking ulo hanggang sa aking mga paa. Why am I feeling this way? Bakit hindi ako kumakawala? Julia please, stop it!
Kumawala na siya sa paghalik sakin at nung nakita ko kung sino siya, bigla ko nalang siyang nasampal.
Hindi ko napansin na nakatingin pala samin si Caitlyn kaya nakaramdam ako ng guilt. Nung nakita niya kong nakatingin sa kanya, bigla siyang tumakbo palayo pero bago ko pa sya mahabol, hinawakan ulit ni Zach yung braso ko.
"Julia, I'm sorry." Sabi niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumakbo nalang ako palayo. Hanggang sa hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa garden.
Umupo ako sa mga isang bench malapit sa isang malaking puno tsaka ako umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak ngayon, feeling ko kasi sobrang nasasaktan ako eh.
Nasasaktan ako dahil nasaktan ko nanaman ang bestfriend ko, bakit ba kailangan niyang masaktan lagi? And the worst thing is, dahil 'yun sakin, samin. Kung hindi dahil kay Zach hindi ako magkakaganito.
Una, nadala ako sa ospital. Pangalawa, napaguidance ako. Tapos ngayon, pakiramdam ko ay galit sakin ang bestfriend ko.
Nakita ko si Caitlyn sa hindi malayo na umiiyak din kaya nilapitan ko siya.
"Cait, I'm really sorry. Hindi ko naman alam na gagawin yon ni Za—" Pinutol na niya yung sinasabi ko at tumingin saakin.
"Wag ka ng mag-explain. Wala ka namang kasalanan dun eh." Sabi niya habang umiiyak parin.
"Galit ka ba sakin?" Tanong ko.
"Hindi, Julia. It's just that, nasasaktan lang ako na makita ko kayong dalawa kanina." Napahinga siya ng malalim bago siya muling nagsalita. "Do you love him, Julia?"
"Oo, mahal ko siya." What? Bakit 'yun ang sinabi ko?
"Sorry Julia kung nagiging hadlang pa ko sa relationship niyo. Pero don't worry, simula ngayon...hindi na 'ko magiging hadlang sainyo." Tumayo na sya at naglakad palayo. Hindi ko na siya pinigilan.
Naiwan na tulala dahil sa sinabi niya. Bakit kasi kailangan niya pang masaktan dahil sakin?
Sorry, Caitlyn. I'm really sorry.
-----
Zach
Sh*t. Why did I do that to her? Why did I kiss her? Para pagselosin si Cailyn? Oh fine, whatever.
Nalaman ko na kasi ang totoo kung bakit siya nakipagbreak sakin.
Nakita ko siya kanina habang hawak hawak yung picture kung saan nandun ako sa bar at hinahalikan ako ni Cashmere. I was so stupid na hindi ko man lang naisip nung mga panahon na yun na magagalit siya sakin. That was the day that I hated and regret the most. Mahal na mahal ko siya na aabot sa punto na handa akong gawin lahat sa kanya, pero nawala yung pagmamahal na 'yun nung nakipagbreak siya sakin sa napaka babaw na dahilan. Pero hindi ko alam kung bakit ko pa ba siya pinagseselos eh wala na namang mangyayari, hindi na naman kami babalik sa dati dahil masaya na siya sa buhay niya at naka move-on na siya sakin.
Nang dahil kay Cashmere kaya nangyari ang lahat ng 'yun. Si Cashmere ang isa sa mga naging kasama ko nung mga oras na madalas pa kong pumupunta sa bar.
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfic(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...