Chapter 6: First Day

859 26 12
                                    

Julia

Two weeks na ang nakalipas simula nung sabihin sakin ni Zach na magiging fake girlfriend niya 'ko.


And ngayon, ito na ang araw na ayaw kong mangyari sakin, ay ang maging  fake girlfriend niya.

Nakakainis talaga siya!

Sa buong two weeks na 'yun, wala akong ibang ginawa kundi pumunta sa bahay ng lalaking 'yun.

Alam niyo ba kung bakit? Pinag-ttraining ba naman ako ng loko.

Para daw pag dumating na yung araw ng pagiging 'mag syota' namin, eh wala ng maging problema.

Akala ba niya madali para sa kin 'to? Hindi noh!

Akala niyo ba na sa buong 2 weeks na 'yun, na nagkasama kami ay naging magkasundo na kami?

Mas lalong hindi!

Eh mas naging worst pa nga kami kaysa sa dati eh.

Pano ko ba naman 'yan makakasundo eh ang sama sama ng ugali!

Pasalamat siya pumayag ako sa napaka walang kwenta niyang plano ah. Kundi, nako talaga! Uupakan ko na talaga 'yan!

By the way, simula pala ng malaman ko na si Caitlyn ang ex niya, di na kami nakakapag usap nung taong 'yun.

Medyo nagtatampo kasi ako sa kanya eh.

Kasi ako lang yung nag-iisa niyang kaibigan pero hindi niya sinabi sakin  ang namamagitan sa kanila ni Zach dati.

Hindi naman sa galit ako sa kanya, pero napatawad ko na siya sa di niya pagsabi sakin.

Kasi alam ko naman na kaya niya hindi ginawa yun ay dahil natatakot sya...natatakot siya na baka magalit ako sa kanya or kung anong sabihin ko sa kanya.

Kaya okay na sakin yun.

Tsaka siya na nga lang yung nag-iisa kong kaibigan tapos aawayin ko pa diba?

Eh kahit ano naman ang gawin nun, mahal ko parin naman siya.

Kasi siya lang yung naging kaibigan ko na sobrang comfortable akong makasama at sabihin ang lahat ng problema ko.

"Ate tara na! Matagal ka pa ba? Mga ilang taon ka pa diyan? Ma-llate na tayo oh!"

Talaga naman 'tong kapatid ko, oo!

"Eto na po, pababa na!" sarkastiko kong sabi.

Nung pagkababa ko hagdan, kinuha ko na yung baon ko na binigay ni mama, maaga kasi siyang umalis papunta sa bago nyang trabaho.

Kaya masaya ako para sa kanya ngayon dahil may trabaho na ulit siya, dahil two weeks narin kasi siyang walang trabaho.

Pero may natira pa naman sa sweldo niya para sa mga expenses namin two weeks ago.

"Natanggal mo na ba lahat ng saksakan? " tanong ko kay CJ.

"Oo ate, tapos ko na."

Pagkatapos kong isara ang mga bintana, lumabas na kami at ni-lock yung pinto.

Naglakad na kami ni CJ papunta sa paradahan ng tricycle habang bigla siyang nagsalita,

"Ate," panimula niya.

Nakita kong parang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi niya masabi dahil nahihiya siya, o ewan ko ba.

"Spill it. Wag kang matakot, hindi ako multo. " pagbibiro ko sa kanya.

The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now