Julia
What did just happened? Ako pa talaga ang may kaslanan ng lahat?
Diba dapat yung babaeng 'yun yung ma principal's office? Siya kaya yung nanggulo.
2 days pa lang ako dito tapos ganito agad? Hay nako.
Pumunta na kami sa office at kaagad na pumasok sa loob.
Napapalibutan ito ng mga drawers na malalaki, isang malaking chandelier, mga couches, at may carpet na color maroon. At meron itong tatlong doors kung saan may cr, private room, at yung main door nito.
Para na talaga siyang bahay. And parang doble ng laki nito yung laki ng bahay namin.
Kaya thankful ako na kahit hindi naman kami mayaman, nakapag-aral ako dito dahil scholar ako at lahat binibigay samin ni mama.
Umupo na 'ko sa couch na kulay peach. Yung babaeng 'to naman ay umupo sa couch na katapat ko.
Walang nagsasalita samin kahit isa. Hindi ko siya tinitignan pero nararamdaman ko na iniirapan niya 'ko. Well, bahala siya diyan.
Maya maya, pumasok na rin yung isa naming teacher para samahan kami. Hindi siya yung teacher na nakakita samin. Kundi, siya yung prof namin sa PE.
Baby face kasi sya tapos maputi at medyo maliit, pero matalino naman. Madalas ay napagkakamalan syang 16 years old kahit 30 years old na siya.
Parang kamukha niya nga si Park Shin Hye, yung Korean na artista?
Kaya halos lahat ng mga students ay nagugustuhan siya. Kaya yung mga babaeng students sa kanya at dahil doon, pansin ko na mas kumakapal ang make-up ng mga babae para lang siguro mapansin sila ng mga lalaki.
Kahit 2 days palang ako dito, ang dami ko na agad nalalaman at napapansin.
Napansin kong nakatingin siya sakin kaya iniwas ko na yung tingin ko sa kanya dahil baka pagalitan pa niya 'ko.
Bakit kaya siya yung sumama samin? Eh hindi naman siya yung nakawitness sa eksena.
Ah. Siguro binabantayan lang kami kasi baka habang wala pa yung principal, nagsabunutan na kami nito.
Pero hindi ko gagawin 'yun. Mabait parin naman ako pero kapag nasagad na 'ko, alam niyo na ang mangyayari.
Kasi kailangan ipagtanggol ko yung sarili ko kaysa tapakan ng mga tao at kutyain.
Tumingin ako sa relo ko at nakitang alas 10 na pala ng umaga. Ang tagal naman ng principal, nakakainip.
Napansin kong nakatingin sakin si Cashmere mula sa peripheral vision ko kaya napatingin din ako.
Nung tumingin ako sa kanya , inikot niya yung mata niya at tumingin sa paligid.
Wow, akala mo naman maganda siya kapag ginagawa niya 'yun. Ang kapal eh.
Medyo maganda naman siya, pero angat parin ako.
Kamukha niya si Julia Barretto eh pero medyo lang, medyo lang naman.
Napansin kong bumukas yung pinto kaya napatingin kaming lahat dun.
Bakit nandito si Caitlyn? May ginawa ba syang masama? Pero hindi siya ganoong tao.
Pumasok na siya at nakita kong may kasama siyang lalaki kaya nanlaki yung mata ko.
Sino 'yun?
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfic(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...