Chapter 21: Officially Enemies

560 32 3
                                    

Zach

Habang binubuksan ko yung pinto, naramdaman ko na parang may taong malapit samin kaya lumingon ako para makita ko kung sino 'yun. 

"So, is she your new girlfriend, Zachary?" Sabi ng taong hindi ko inaasahang pupunta dito. She looked at the two of us na parang paptayin kami. It's my Mom. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Hi Julia Montenegro. The daughter of my greatest enemy, Josie Montenegro. Nice to see you, dear." Wait, mag kaaway sila ng mommy ni Julia? Paano?

"How dare you? Greatest enemy? Yung Mama ko?" Sagot ni Julia.

"Sa kabila ng lahat ng ginawa niya saakin nung college kami, she deserves to be my greatest enemy. How pathetic." Sabi ni Mommy. What is this commotion?

"You know what? Ikaw dapat yung sinasabihan mo ng pathetic. Sinira mo ang pamilya namin, hindi ba? You made my parents fight. Baka ikaw nga rin yung dahilan kung bakit namatay yung Papa ko eh. How dare you, home wrecker!"

Wow. Seriously?

"Julia, ano ba? Huwag mo siyang akusahan ng bagay na hindi naman niya ginawa." Bakit niya ba sinisiraan si Mommy? Is she out of her mind?

"Ay, hindi pa pala alam ng anak mo ang lahat-lahat ng ginawa mo samin? Wow." I looked at her. Galit na galit siya. 

At nagagalit narin ako.

"Ano ba, Julia! Tama na nga!" Pag-awat ko sa kaniya. Sobra na kasi eh.


Tumawa siya. "Tama na? Bakit? Eh kulang pa nga lahat ng 'yan kumpara sa ginawa ng nanay mo eh!"

"How dare you, bitch!" Then she slapped her.

She deserves it. She's a liar.

"Ah, bitch?" She slapped her exactly two times. What the hell?

"Ano ba, Julia! Sumusobra ka na! Don't you know the word respect, ha?" I asked. Nakakainis, akala mo kung sino. Mali ako ng pagkakakilala sa kaniya.

Now, lumabas yung tunay niyang kulay.

"Respeto? Alam mo pala yung salitang 'yun? Akala ko kasi hindi. Kasi ang dami mo ng babaeng hindi nirespeto. Alam mo, parehas lang kayo ng Mommy mo." Galit na sabi nya at tumakbo palayo.

Great. Look at the mess that she made.

Kaagad kong niyakap si mommy dahil nakita ko siyang umiiyak. You don't deserve this.

"Anak..." Tawag niya sakin. Umiiyak parin siya.

"Is it true? Totoo bang sinira mo yung family ni Julia? Diba...hindi naman? Sinisiraan ka lang niya. At sa harap ko pa talaga." I laughed.  I didn't expect her to be like that.

Umiling siya. "Yes, anak. That's not true. Gusto lang niyang palabasin na masama akong tao para magalit ka sakin." 

"Right. I guess, hindi talaga kami dapat na maging mag kaibigan." Buti nalang, na-realize ko na.

"Tama 'yan, anak. Hindi mo siya dapat na maging kaibigan dahil kagaya lang siya ng nanay niya."

I guess na hindi nalang tayo dapat maging mag kaibigan. Tama, that's the right thing to do.

I guess that this is the last day na magiging kaibigan pa kita.

Because now? I will treat you as my enemy.

---

Julia

Ah, nakakainis. Akala ba niya matatalo niya ako? No way. Bagay lang sa kanya na masampal ng dalawang beses dahil dalawang beses din nyang sinira ang pamilya ko, at kung tutuusin, kulang na kulang pa 'yun.

The Enemies (COMPLETED)Where stories live. Discover now