Julia
"Okay ka na ba, CJ? Masakit pa ba yung sugat mo, pati yung pasa mo?" Tsk. Ako nahihirapan sa sitwasyon niya eh.
Nagulat ako nung napahinto siya sa paglalakad. Anong problema?
"Bakit?" Tanong ko. Tinignan niya lanf ako.
"Ikaw ba si Mama?" Napairap ako. Alam ko na yung ibig niyang sabihin doon.
"Tsk. Ito naman! Syempre nag-aalala lang ako sayo." Sabi ko. Sino ba namang hindi, diba?
"Okay lang ako." Sus.
"Sure ka?" Paninigurado ko.
"Oo nga!" Sigaw niya sabay naglakad papalayo. Tignan mo 'to, tinatanong lang, naasar kaagad. Pikon talaga.
"Hoy, CJ! Teka lang!" Sigaw ko sa kanya. Hinabol ko siya.
Hinila ko siya papunta sa
canteen para kumain ng lunch. Medyo gutom narin kasi ako."CJ, anong oras yung klase mo mamaya?" Baka kasi malate siya dahil sakin eh.
"Alas dos pa, Ate." Tinignan ko yung orasan ko at nakitang 1:45 na pala ng hapon. Ang bilis naman ng oras. So ibig sabihin lang nun, na ang tagal ko palang naka-lock sa gym. Sa tuwing naaalala ko 'yun, naiinis ako.
"Ah okay. Sige, maghanap ka nalang ng mauupuan natin, ako na mag oorder. "
"Sige, Ate." Halata mong hindi siya okay, base sa way ng paglakad niya ngayon.
Habang umoorder ako, may bigla nalang yumakap sa likod ko. Nakakagulat naman 'to.
"Julia!" Lumingon ako sa likod ko para makita kung sino 'yun.
Ah, si Hana lang pala. "Hana? Bakit, anong nangyari?" Sa base kasi ng tono ng boses niya, mukhang may problema eh.
"Sorry ha, nang dahil sakin kaya ka nakulong sa gym." Ha? Anong ibig niyang sabihin? Inalala ko yung mga nangyari kanina at biglang nag-flashback sakin yung text niya.
Ah, 'yun nga pala yung dahilan kung bakit.
"Kasi naman si Zach, eh. Tinanong niya kung kaibigan daw ba kita. Sabi ko, oo. Tapos bigla ko nalang nakita na tinetext ka niya using my name. Eh hindi ko na napigilan kasi may gagawin daw siya saking masama kapag pinigilan ko siya. Hay, pasensya na talaga! Hindi ko sinasadya!" Pagpaliwanag niya.
Wow. Pati ibang tao dinadamay niya.
"It's okay, wala ka namang kasalanan doon. Kung may dapat mang sisihin, si Zach 'yun at hindi ikaw." Siya naman talaga.
"Sure ka, ah? Na okay lang talaga? Hindi ka ba galit sakin?" Umiling ako. Biktima lang din naman siya.
"Hay, salamat naman. Sige, alis na ako, mamaya nalang tayo magkita ah? Bye!" Kumaway siya sakin sabay tumakbo na palayo.
Pumunta na ako sa table kung saan nandun si CJ pero bago ako makapunta doon, may humarang sa daanan ko. Isa na doon si Cashmere.
Bakit ba sila nakaharang? May kailangan ba sila sakin?"Hi, Julia. " Sabi ng isa sa mga kasama nya na kung hindi ako nagkakamali, Joyce yung pangalan niya. Isa sa mga bestfriend niya. Paano ko nalaman? Eh sikat na kaya siya sa school kahit bago palang siya. Kaya madalas, siya ang topic sa buong school.
"Hi. Excuse me, dadaan kasi ako." Maglalakad na sana ako kaso pinigilan ako ni Cashmere.
"Aba, bastos ka ah? Kinakausap ka pa namin, bakit mo kami tinalikuran?" So bakit parang ako pa yung dehado dito?
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...