Caitlyn
Bakit 'kami'? May kasama ba siya 'dun? At sino naman 'yun?
Bakit ba ang dami kong tanong? Hay.
"Ate may kasama ka diyan?" Sigaw ni CJ.
"Oo, si JP. Parehas kaming na-stuck dito sa elevator."
"Ah. Sige maghintay lang kayo diyan ah? Hihingi lang ako ng tulong para makalabas na kayo."
"Sige, bilisan mo ha?"
"Opo, ate."
Lumayo na siya sa may elevator at lumapit sakin.
At...bakit niya hinawakan ang kamay ko?
"Cait...dyan ka lang ah? Hihingi lang ako ng tulong, tapos tatawagin ko na si mama. Tawagan mo ako 'pag kailangan mo 'ko ah? Wag kang mag alala, walang mga multo dito kwento kwento lang 'yun." Shemay, bakit ba siya ganito kumilos? He is driving me crazy!
"Ah. S-sige, o-okay."
Aish! Bakit ba 'ko nauutal? What's happening to me?
Nginitian niya ko at binitawan ang kamay ko at tsaka siya umalis.
Bakit ba siya ganun? Parang pinapakilig niya 'ko na ewan. Hay, bahala na nga.
Lumapit ako sa elevator at pinakinggan kung may pinag-uusapan sila nung...JP yata 'yun?
"Ay, nakatulog ka na yata." sabi ni Julia.
"Juls, pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko.
"Caitlyn? Ikaw ba 'yan?"
"Yeah, it's me."
"Why are you here?"
"I'm here because..." Hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil napaiyak na ko.
"Cait?"
"H-huh? A-ano, uhm...asi nag-aalala ako sayo. "
"Matapos mo 'kong sabihan ng desperada, pupunta ka dito?"
"Julia, sorry tungkol sa nangyari kanina. Hindi ko sinasadya yung nangyari, at lahat ng mga sinabi ko sayo."
"Mahal mo pa ba si Zach?" Mahal ko pa nga ba siya?
"H-hindi ko alam."
"Caitlyn, sorry pero..."
"...mahal namin ni Zach yung isa't-isa." Alam ko na naman yun, hindi na niya kailangang ipa mukha sakin.
Tanggap ko naman na sila na pero... may part parin sa puso ko na nasasaktan eh.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"Alam ko naman 'yun..."
"Pero mahal mo pa nga?" Pag-uulit niya.
Ano ba 'to, bakit ba niya ko pinahihirapan ng ganito? Tsaka...bakit niya tinatanong kung mahal ko pa siya? Pano kung sabihin kong oo, eh di masasaktan siya?
"It's okay, Caitlyn. Tatanggapin ko kung anong sagot mo, hindi naman ako magagalit sayo. Pero kung hindi mo pa alam ang sagot, wag mo nalang sagutin. Hindi kita pinipilit."
YOU ARE READING
The Enemies (COMPLETED)
Fanfiction(GabRu Fanfiction) Julia Faye Montenegro, isang taong masaya sa kanyang buhay, until she met Zachary Lopez---ang taong sisira sa kanyang buhay. Magkakasundo pa kaya sila sa kabila ng galit nila sa isa't isa? Started : April 12, 2016 Completed : Ap...