Lolo's Visitor‬

757 15 1
                                    


Hello.. Gusto ko lang.e.share yung first encounter ko with GHOST..

So Here it goes..

Last Last year namatay yung lolo ko it was very sudden..hindi namin talaga alam kung bakit biglaan..tapos at the same month and week din ikakasal yung kuya ko..so dahil namove yung kasal nya.. ayun nga nakaburol na yung lolo, pang 3 days na nya yun, at first time na naging kumpleto kaming magpipinsan, dahil nga first time na naging kumpleto kami nagyaya ng inuman yung mga pinsan namin, habang nag-iinuman kami and kanya-kanyang share at throwback noong mga bata pa kami..bigla ako nakaramdam ng para bang may nakatingin, paglingon ko isang maitim na aso nakatingin sakin na deretso, hinagisan ko sya nung pagkain namin, pero di sya gumagalaw, nakatingin lang sya sakin na yung nakakakilabot, tinapik ko yung pinsan ko kasi natatakot na talaga ako sa aso.

paglingon nya nagtaka din sya sabay sabi " hahaha nagandahan ata sayo couz" natawa ako slyt pero andun pa din yung takot..buong gbi kami nagtatawanan at chika2..hanggang biglang natahimik yung pinsan ko ( sya yung tinapik ko ) and told me.."couz??narinig mo yun?" Tumahimik din ako at pinakinggan yung ano man yung narinig nya..pero wala, namumutla sya and hinila nya ko at sabi " couz..someone or something just blew air sa tenga ko" i was like o__O..

wala naman kasing hangin nung tym na yun, and i remembered na yung lolo namin mahilig gawin ang ganyan, binalewala nalang namin ang ngyari nun..

midnight na nung pumasok kmi sa loob ng bahay para kami nmn yung magbntay..pagpasok namin maypinagkakaguluhan yung mga tita namin na parang baol..then andun nakita nila yung mga old pics nila, aliw na aliw sila and then my oldest couzin took a picture dun sa baby pics namin na kumpleto talaga kami magpipinsan..she was shocked kasi pagtingin nya sa digicam nya baliktad yung pics namin..she tried again at ayun naging okey na..she then took a shoot dun sa sala kung saan yung kabaong ng lolo namin, nabigla kami sa nakita namin kasi kuhang-kuha talaga sa pic ang isang babae na nakadungaw sa kabaong ng lolo namin..nakaramdam ulit ako ng takot habang pinagmamasdan ko yung pic..

And after that night di na namin ginalaw yung baol ni lolo.

©Ling Sismondo Martinez‎

‎‎ 


‎‎ 

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon