Nagsimula ang mga nararasan ko nung 13 years old na ko hanggang ngayon. Ako si JJ (my nick name) 24 years old nako ngayon. Hindi ko alam kung talaga bang open ang third eye ko o hindi. May nasasabi kasi na pagpinipigilan mo o ayaw mong makakita, hindi ka makakakita.
Nagsimula ang mga nararanasan ko sa una naming bahay. Maliit na bahay lang ito 45 sqm. May sarili nakong kwarto noon, yung 3 kong kapatid na babae kasama nina mami at dadi sa isa pang kwarto. Nagtataka ako bigla nalang akong magigising ng dis oras na ang gabi/madaling araw at 2am until 4am, specially 3am. Siguro nasasanay nadin ako dahil maaga ang pasok sa umaga nung estudyante pa ako.
Isang madaling araw nagising ako parang half awake lang... nagulat ako... HINDI AKO MAKAGALAW! (parang subconsciously awake).. tapos tumingin ako sa may bandang pintuan ng kwarto ko, nakita ko ang isang mukhang galit na galit, mukhang babae e ako kasi yung tipong matutulog ng patay ang ilaw. Hindi pa din ako makagalaw, natatakot nako. Tapos biglang parang may MABIGAT NA PARANG HANGIN, BASTA PARANG HANGIN NA DUMADAGAN SAKIN AT HINDI AKO MAKAHINGA NUN!
Nagdasal ako ng Our father. Nakailang ulit yun mga 3 times ko dinasal. Tapos nakagalaw nako, agad kong binuksan ang ilaw ng kwarto ko tapos nagtalukbong at pinilit na makatulog (eh alam mo yung ang hirap makatulog ng nakatalukbong dahil ang init ng hininga natin, pero ayun tulog padin haha).
Madaming beses na naulit yun, dasal lang ako ng dasal at nawawala naman...
Pero ang hindi ko lang maintindihan ay madalas pagkagising ko sa umaga, parang hindi ako makahinga, parang kapos sa hininga ganun...
Eto pa, Alam mo yung nakakakita ka sa peripheral vision mo (sa gilid ng nakikita mo). Nakakakita ako ng mga anino.. parang biglang dadaan sa bahay ganun.
At alam na alam ko kung may presence o wala dahil pag meron. Malamig, parang hinahawakan nila ang isang parte ng katawan mo. Malamig sa parte na yun, then goosebumps na.. Sa awa ng Diyos wala namang nakapanakit sakin. Basta dasal lang...
Nagresearch nga din ako bakit palaging malakas ang hauntings/supernatural phenomenon at 3am..
This is because the time that Jesus died. 3am is the bewitching hours. Kung saan time na may PINAKAMALAKAS ang dark entities.
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events