Nag Start Nangyare to nung March 19 at march 24 2015 .
I'm Kyle 19 years old parating wala yung Pparents ko sa bahay dahil sa Bussiness nila , yung mga Nag de Deliver ng mga Gulay sa mga karatig bayan. Once a week lang sila kung umuwi.Nakatira kame sa Subdivission. Sanay na akong mag-isa at matulog ng mag Isa.ince ako lang yung mag-isa sa bahay doon na nila pina stay yung cousin ko na si Jared. 21 years old ok naman sya pero hindi kame close . Si Jared lang yung lagi kong kasama sa bahay at si Oscar (yung Pusa ko ). Tuwing Saturday walang tao sa Bahay namin . Usually midnight na ako umuwi .One night nung kakauwi ko lang galing sa Gig 3:03am non ako lang mag-isa kase si Jared nasa gimikan pa Sobrang pagod tinamad na akong magpalit ng damit pantulog at humiga ako agad , nakatulog ako ng mga ilang minuto pero nagising ako dahil ang bigat ng pakiramdam ko. May narinig akong Naglalakad sa itaas ng Bubong parang ambigat ng Footsteps nya. Parang mabigat na malaking Tao tapos katabi ko ung Pusa ko biglang na lang sya hindi mapakali, Tapos may narinig akong Footsteps sa loob ng bahay parang galing sa malaking tao. May kumalabog na parang nagkakalkal.Sobrang natakot ako non.Hindi ko alam kung saan ako tatakbo kasi yung doorknob ko sira kaya pwede syang pumasok at saktan ako o gawan ako ng masama. Biglang may Kumatok sa front door si Jared na pala. Hindi ko muna sya pinagbuksan. Nakiramdam muna ako nung feeling ko wala na ung Bad Thing na yun saka ko pinagbuksan si Jared.Umaga na nung nakatulog ako non . Hindi ko na rin Sinabi ka Jared yung tungkol dun sa nangyare .
Makalipas ang apat na araw wala pa rin Parents ko sa Bahay.
Nasa kwarto ako non patulog na.Si Jared naman sa sofa natutulog . 1AM na yun , may Bumukas ng Gate namin tapos cheneck ko baka pinsan ko pero naalala ko nasa Ssofa sya at mahimbing na natutulog.Tahol ng tahol yung aso sa labas sobrang ingay ! Hindi ko na pinansin kasi antok na ako non. Paghiga ko pakiramdam ko may nakatingin sakin . Biglang bumuhos ang ulan kumukulog at kumikidlat hindi parin ako makatulog . Sa Gilid ng bed ko may bintana walang kurtina .Sliding window yung bintana ko.Sobrang dilim ng paligid.Habang kumikidlat napatingin ako sa bintana may nakita akong sobrang laking black figure na tao.Inilawan ulet ito nang kidlat nakita ko sya. Ang Ulo nya kambing may sungay tas tao ang katawan at nag whistle pa ito na parang tuwang tuwa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na yon . Hindi ako makasigaw Nanigas ako sa Takot at Lamig , kinalmot kalmot ako ng Pusa ko sa mukha saka ako nakaKilos at Tumakbo palabas ng Kwarto. Inilawan ko ang Buong Bahay Ginigising ko si Jared pero ayaw magising sobrang tulog.Kumaha ako ng asin, inasinan ko ang lahat ng bintana sa bahay habang nanginginig sa takot. Nagugulat pa ako sa twing kumukulog.
Hindi pa rin Mmaalis yung takot ko. Hindi na ako makatulog dahil sa takot na baka Bumalik sya at kunin ako. Kinabukasan kinwento ko kay Jared yung tungkol sa nangyare nung gab.i Naniwala sya at Thank God umuwi na rin parents ko. Nakwento ko sa kanila yung nangyare. Sabi ng Papa ko na ganun din daw nangyare sakanya. Nagpakita rin sakanya nung ka edad ko raw sya. Thank God dahil di na bumalik yung nilalang na yun . Always ako nagppray.Na Trauma ako sa pangyayaring yun.
Thank you sa mga nagbasa.
KH
Zamboanga City
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events