JS From

305 4 0
                                    

 J.S Prom namin last 2008. 8:30 ng gabing iyon nagpunta kami sa CR para mag-retouch. Tatlo lang kami ng mga kasama ko noon. Merong salamin doon na pang-whole body kaya nagsalamin din kami. Pero may napansin kaming dumaan na malami na hangin sa likuran namin at may nakita kaming figure ng tao sa salamin at pumasok sa isang cubicle. Nahintakutan kami kaya lumabas kami ng CR at tinawag namin yung mga kaibigan naming mga lalake. Kinuwento namin ang nakita namin at sumama din sila sa CR para tignan. Nagtawag pa nga kami ng security guard para samahan kami. Pagbukas namin dun sa CR kung saan pumasok yung nakita namin, wala naman palang tao pero may napansin kamin bakas ng kamay na parang kulay putik na may dugo. Bumakas siya sa dingding. Noong kinuwento ko yun sa tita ko, taong 1970 pala ay may nagpakamatay dun sa C.R na yun. Magkaparehong oras din at araw din ng JS Prom noong namatay siya. Ang babae dun na nagpakamatay ay nabuntis at iniwan daw ng nobyo kaya naisipan sigurong magpakamatay para hindi daw mailagay sa kahihiyan ang mga magulang. Kaya magmula nun tuwing sasapit ang JS Prom sa school namin palagi siyang nagpaparamdam doon dahil umaasa siyang babalikan pa rin siya ng nobyo niya. Ang pangalan daw ng babaeng yun ay Eleine Perez Acastre. Naging classmate daw yun ng tita ko noong 1970 kaya alam niya. Doon din kasi nag-graduate yung tita ko.  

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon