Im Mr R. Nung una hindi ako naniniwala sa mga spirits and element or enkanto. Oh tinatawag nilang dyablo pero kung naniniwala kayo sana wag nyo itong isiping kalokohan lang. Diba lahat naman tayo nakakaramdam ng something lalo na pag nasa lugar ka na ikaw lang ang magisa at medyo weird. I share my story. So eto nga bata palang ako mahilig nako sa mga horror at zombie films. Pero hindi ko aakalain na ang napapanood mo sa movie ay pwedeng mangyare. Like final destination!! Shet!! Grabe ang experience! So 8 in the morning habang papunta ako ng palengke. Meron akong napansin kakaiba sa sign ng traffic light. Green pero bakit si lola naglalakad sa kalsada. Napatakbo ako ng mabilis at pipigilan ang lola pero ng lapitan ko ako na mismo yung masasagasaan. Shet!! At eto pa pagtingin ko sa jeep na sasagasa sakin biglang nawala yung lola. As in nawala!! Halos mahahawakan ko nasya pero biglang nawala ng napatingin ako sa jeep. Nagalit saken yung driver at pinagsabihan ako. Ang sabi saken ng ale. Boy bakit ka tumatawid na maraming sasakyan? Eh teh nakita ko si lola patawid ng kalsada pipigilan ko. Ay hindi mo ba alam may namatay na matandang babae dyan sa kalsada nayan. Nasagasaan ng jeep. Walang nakakita dahil umaga ng nangyare. Halos kinalibutan ang buong katawan ko. Dati naman hindi ako nakakakita ng multo. Etong taon lang nangyare sakin to. Eto lang masaabi ko lahat tayo may third eye. Hindi lang natin alam kung kelan to bubukas... Eto palang ang simula ng mga kababalaghan ng buhay ko. Ipapasadyos ko nalang to. Amen <3
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events