UP Diliman: Educ Library

383 12 0
                                    

Nasubukan nyo na bang matawa dahil nakarinig kayo ng mga kwentong multo galing sa dating critics ng ghost stories nyo? Isa ito sa mga kwentong natawa talaga ako for the same reason.

Mga bading na kasama ko sa productions ang tagakwento. Tatlo silang di naniniwala sa multo. Di naman daw sila nakakaramdam o nakakarinig o nakakakita. Ito naman kasi yung tipong critics na dadaanin sa biro ang lahat. Pero feeling ko pa rin, medyo naniniwala pa rin sila dahil hindi nila hinahamon si Marita/Marissa sa UPD Guerrero Theater. (Pakihanap na lang yung mga kwentong Marissa dito for more info)

Natapos ang kanilang kasiyahan at pagiging critic sa UPD Educ Library. Research mode at dahil isa sa kanila ay student assistant doon sa lib, tumagal sila doon. Madilim na nung naisipan na nilang isara ang lib at lumabas. Problema lang ay madilim talaga yung building dahil hindi nga uso ang mag-iwan ng ilaw na bukas ang mga UPD colleges noon. So syempre, tawanan at okrayan ang drama ng mga baklesh. Umaalingawngaw ang ingay nila sa buong Educ building.

Kinapa nila ang hagdanan at nagsimulang bumaba. Syempre slowmo ang drama ng mga bungangerang hitad at magkakahawak pa sila para di madapa sa hagdan. Naaninag na nila ang bukas na mga mala-higanteng double doors ng main entrance sa first floor. Medyo nagmadali na silang bumaba.

Paghakbang nila sa first floor, sumaradong pabalibag ang double doors kahit na wala silang taong nakita doon. Hiyawan sila. Takbo papunta sa pintuan. Pinilit hilain, itulak, hampas-hampasin para lang bumukas. Sigaw pa sila sa akala nilang maintenance (di pa uso security guard nun sa UPD) na bumibiro sa kanila.

"Kuya, buksan nyo ito. Hindi ito nakakatawa! Susumbong namin kayo kay ma'am!"

Maya-maya may umungol ng pagkalakas-lakas. Malalim at nakakakilabot.

"Kuya, tama na. Natatakot na kami. Pakawalan nyo na kami pleeeeeaaassse!"

"Oy girl, bitiwan mo na ako, ang higpit ng hawak mo ha!"

"Wala akong hinahawakan sa inyo ha!"

"Oy bakla, ang sakit mong makakapit ha. Ang lamig pa ng kamay mo!"

"Ikaw kaya nakahawak sa akin! Yak, ba't ang lagkit ng kamay mo! Eeewww!"

"WAG KAYONG MANAKOT MGA LETSE KAYO! NAKAHAWAK AKO SA PINTO!"

May biglang nagtawanan sa paligid nila. Maliliit at matitinis ang mga boses. Marami sila. Palakas ng palakas. At lalong dumami ang nararamdaman nilang nakahawak sa kanila.

Tilian ang mga baklitang critics. Pinaghahampas na ng ubod ng lakas ang pinto at nagiiyakan na sila.

"SYETEEEEE! KUYA BUKSAN NYO PINTO! MAMAMATAY KAMI DITO! TULUNGAN NYO KAMI! PARANG AWA NYO NA! TULUNGAN NYO KAMIIIIII!!!!"

Bumukas ang isang pinto. Nakatayo si Manong Maintenance dun na gulat na gulat sa tatlong baklang tumitiling kumaripas ng takbo palabas. Patakbo ring humabol si Manong pagkasarado nya ng pinto. Halatang takot din.

Nang makarating na sila sa kalye, humihingal na nagpaliwanag si Manong kung bakit di nya agad binuksan ang pinto: "Nakakatakot talaga yang Educ e. Wala sa amin ang tumitira dyan (uso pa noon ang may maintenance staff na tumitira sa mga buildings para may bantay). Akala ko mga multo kayo na nangangalampag ng pinto dahil ginagawa din nila yan, kaya di ako lumapit nung una. Nung narinig ko na mga bading kayo saka ko kayo pinagbuksan. Wala naman akong alam na bading na multo e kaya sigurado akong tao kayo."

Ayun. Buti pala bading kayo ano? Hehe...

c|o: Myra AB 

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon