"Grabe talaga, panalong panalo yung nagyari saken last night. Mala out of this world ang experience ko, something unusual, specifically it's something paranormal.
Naalala ko yung kinu-kwento samin ng classmate ko habang nagaantay kami para sa next subject, hindi ko yun masyadong napagtuunan ng pansin, kase nga inaantok ako ng sobra, at saka wala din akong pake, pero rinig ko yung mga highlights ng kwento niya.Last night, ang dami kong ginawa, nagda-download ng files, habang binabasa ko yung powerpoint report, tas may konting review review nadin pero siyempre, mawawala ba naman ang Facebook and twitter tabs ko, na siyang dahilan ng pagtagal ko sa harap ng computer.
Mga bandang 2:30 am ramdam ko na yung sakit ng mata ko at sobrang antok, kaya agad agad na'kong nag off ng lights para matulog, pero this time walang electricafan nor aircon kase mejo malamig at yung position ng higa ko iba, nakaharap ako sa pinto,tinatamad na din akong umayos. So heto na, in the middle my sleep, mejo nagbukas yung mata ko ng konti, I am slightly facing the wall at my left pero kita parin ng peripheral vision ko yung pintuan sa bandang right, alam kong may isinabit akong mga gamit sa pintuan na yun, pero that time alam kong hindi gamit ang nakikita ko, kundi tao. Nakatayo lang siya, hindi gumagalaw..yung mukha niya may darkness na nagpapalabo. Then after a second, dun lang nag sink in saken na hindi yun tao, sino ba naman ang babaeng papasok sa kwarto ko ng traje de boda diba.? So doon na'ko nagsimulang nanlamig. Gusto kong tumingin sakanya pero hindi ko maigalaw yung ulo ko, sumunod dun, hindi ko na din maigalaw ang katawan ko, lumalabas na ang pawis katawan ko that time, at gusto kong umiyak at sumigaw para maka hingi ng tulong. Pero diko magawa, mahirap.So nung alam kong wala na'kong magawa, I turned my eyes close again, I calmed and I kept convincing my self na gamit lang yung nakita ko. Pero hindi niya padin ako tinantanan, I again open my eyes, pero this time, wala na siya pintuan at naaninag ko na yung mga gamit ko, ngunit pagtingin ko sa paanan ko, PUTA! Nakaupo na siya sa kama ko, hindi ko talaga kinaya yung segundo na yun ng buhay ko, gusto kong sumigaw, pinipilit kong bumangon para tumakbo pero hindi ko talga magawa, para bang sinusunog ako sa kulungan feeling. Nakita ko yung figure ng katawan at suot niya at yung mukha niya wala kang makikita. Alam kong kapag pipinilit kong gumalaw mas lumalala lang, mas hindi ako nakakagalaw, nauubos lang yumg lakas ko. Kaya tinangka ko nalang wag man laban at sumabay sa flow ng pangyayari, bahala na.
For the third time I opened my eyes, and nagagalaw ko na yung mga daliri ko, alam kong wala na siya...nakakagalaw na'ko. Gusto ko ng tumakbo pababa, pero kinakain ako ng takot, baka pagbukas ko ng pinto nakatayo na naman siya dun at patayin ako pero the only choice I had was to be brave, kaya I opened the light and ran downstairs, sa sala kung saan natutulog ang mga kasama ko. What a huge relief, nakahinga na'ko ng maluwag.
Akala ko totoo yun, akala ko nakalabas na'ko, akala ko okay na...... pero pagbukas ko ng mata ko, nasa loob padin ako ng kwarto, the same padin yung postion ng katawan ko at naroon pa din siya sa pinto nakatayo.... Hindi ko na alam yung gagawin ko, naulit uli yung pangyayari, katulad na katulad ng nauna,
Hindi ko na alam yung gagawin.
Siguro nga this is it, oras ko na. Tinaggap ko na ........................ng biglang may putok ng baril akong narinig mula sa labas, at dun na'ko nagising at bumababa para tumabi sa mga kasama ko.Tanghali na'ko nagsing that time, at nasa sala na'ko, naalala ko yung kinukwento ng classmate ko saamin yung about sa stress at kulang sa tulog, dun mo daw naeexperince yung akala mo gisng kana pero hindi pa pala na nanaginip ka lang, nababangungut ka lang pala. May tawag siya dun'e at naeexperice niya daw yun. Kinuwento ko to sa matandang kasama ko dito sa bahay, ang sabi niya hindi daw multo yung nakita ko sa panaginip ko, DEMONYO daw yung base sa description na binigay ko sakanya. Nakalimutan ko din kaseng nagpray that night'e"
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events