Part 1
" Anong ibig sabihin ng 3rd Eye o iKatlong Mata? "
"Third Eye." Madalas ito naririnig binabanggit ng mga tao, lalo na kapag nagkukuwentuhan ng katatakutan. Ngunit, ano nga ba ito?
Ang tinatawag na "third eye" ay ang nagsisilbing tarangkahan natin sa espasyo ng ulirat at sa mundo ng kinalolooban. Nakikilala rin ito bilang "sixth sense" or "ajna chakra" sa espirituwal na tradisyon ng taga-Western at Eastern. Sa mga relihiyon na Hinduism at Buddhism, ang "third eye" ay simbolo ng moksha at nirvana. Inuugnay ito sa pineal gland na kasing laki lamang ng gistantes. Nasa gitna ito ng utak, sa likod ng pituitary gland. Matatagpuan ito sa likod ng mga mata at naka-kabit sa third ventricle.
Ang "third eye" ang responsable sa abilidad ng tao na makakita ng mga multo o aura. Nakikita nito ang padron ng enerhiya at hindi limitado sa oras at distansya. May kakayahan ito sa ikonektado pag-uugnay sa tao sa pwersa na higit sa karaniwan. Sa pamamagitan ng "third eye", maaring makita ang mga nangyari noong nakaraan at ang puwedeng mangyari sa kinabukasan. Nakikita ng "third eye" ang mga bagay na hindi nakikita ng pisikal na mga mata, dahil masyado tayong nakatutok sa mga alam nating umiiral at totoo - sa mga bagay na nasa harapan lamang natin.
Lahat ng tao ay mayroon ng "third eye", ngunit hindi lamang nakabukas ang karamihan. Para sa mga tao na nakadilat ang kanilang ikatlong mata, alang nila ito bilang isang basbas at ang iba naman, intinuturing ito bilang sumpa. Mayroon namang mga tao na dahil hindi nakadilat ang kanilang "third eye", nagtataka sila kung mayroong paraan para mabukas ito.
Sa katotohanan, ang ideya ng "third eye" ay hindi lamang napapatungkol sa mistikal o spiritual na kapangyarihan. Mayroon din itong pakikipag-ugnayan sa science. Napapakita ngayon ng scientipikong ebidensiya na ang "third eye" o pineyal glandula ang kaunaunahang mata ng kalikasan, lalo na sa tao at vertebrates. Maraming misteryo ang napapaikot kung ano talaga ang trabaho ng pineyal glandula sa ating katawan. Ito ay binuo ng mga cells na napapareho ang kanilang tampok sa mga light-sensitive cells na natatagpuan sa retina, kaya may posibilidad na ang kaniyang trabaho ay bilang organo ng paningin.
Ayon kay H.P. Blavatsky, labing-walong milyon taon nakaraan, nagiiba ang anyo ng mga tao. Ang pag-usbong na ito ay sinamahan ng pwersa sa loob ng ulirat na sumama sa matter para maform ang sikolohikal na aspeto. Nakikipag-trabaho ang aspetong ito sa pisikal para paganahin ang mga senses. Ang mga ito ay umusbong kasama ang balat. Ang ating utak lamang ang nagsisilbing koneksyon sa langit at panlupang katauhan.
Ang pwersa sa ating kinalolooban ay nagtratrabaho gamit ang ating panlabas. Ang utak at ang sense ay mga daan para sa mga enerhiya na nagtratrabaho sa mga chakras, ang pinakamataas ay ang pineyal glandula. Ito ang susi sa banal na diwa ng tao.
Habang tayo ay nagproprogreso sa ating spirituwal na pagkatao, kailangan nating ibalanse ang mga enerhiya nasa loob ng ating katawan. Kahit na minsan mapanganib paglaruan ang ating ikatlong mata dahil hindi pa sapat ang ating pagintindi dito, kailangan parin natin pagaralan ang ating kamalayan.
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events