Late Reaction

296 5 0
                                    

Nangyari ito mga 90's, elementary pa lang ako noon pero hindi ko na matandaan anong grade ako. By the way, wala akong third eye na nakakakita ng mga multo. But this is something na di ko makakalimutan.

Gabi noon around 11pm.. Kami lang dalawa noon ng hipag ko, siya natutulog na sa kwarto nila ng kuya ko then ako nasa sala nanonood ng tv. Nasa kasarapan ako ng panonood ng tv yung tipong nakahilata pa nga ako sa sofa. Nang bigla ko maramdaman na parang may kasama ako. So tumingin ako sa likuran ko kasi kusina na namin yun tapos nakikita ko yung lamesa. Yun nga may nakita akong pormang tao na nakatayo habang tila nakikinood. First thing na pumasok sa isip ko yung ate ko so tinawag ko siya.
Pero walang response, so sabi ko ""nananakot ka pa ah.."" pero nothing, andun lang siya nakatayo. Kumbinsido na ako na ate ko yun so pinagmasdan ko mabuti baka naman namamalikmata ako. Habang pinagmamasdan ko siya maigi napansin ko na parang matangkad siya and lalaki, so inisip ko baka pinsan ko kasi pareho sila ng tayo. Yun tipong lalapit na sana ako ng marealized ko na, wait lang sarado na pinto namin paano nakapasok ito.. So ako para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maisip ko na baka multo yun or worst magnanakaw. Kaya ayun sa sobrang takot ko napatalon ako sa pagkakaupo ko sabay patay sa tv and takbo sa kwarto ko.

Ang weird lang kasi nun time na bigla ako napatalon at medyo sumigaw ng konti, nafeel ko na parang bigla rin tumalon yung anino at nagtago sa may ref. I swear narinig ko gumalaw lamesa namin, nakasandal kasi siya doon.

So nun nasa kwarto na ako, nandun pa rin yung hinala na wait lang ate ko nga ata yun. So ako pinuntahan ko uli yung kusina pero wala na. Tsinek ko pintuan ng kwarto ng ate ko nakalock. Last resort ko, sinilip ko ate ko doon sa kwarto ko. ""Plywood lang kasi divider ng kwarto namin, so pwede ako sumilip sa kabila kwarto kasi may siwang sa taas. Pero tulog talaga ate ko. Tinawag ko siya pero wala tulog talaga.

Iniisip ko mabuti, if ate ko yun for sure tatawa at tatawa yun. 2nd nakaupo ako malapit sa pinto ng kwarto nila kasi nakaharap dun ung sofa, so maririnig ko bubukas pinto and makikita ko siya. Saka matangkad yun nakita ko...pormang lalaki...kaya ang ending ayun nagtalukbong ako ng kumot at natulog ng nakabukas ang ilaw.
Sensya na kung mahaba ah...hindi ko alam if ano talaga yun pero promise nakita ko talaga yun. Saka dun sa lugar namin marami daw talaga nagpapakita, dati kasing taninam ng tubo yung subdivision namin at marami daw tinatapon na patay doon.

chichi
Pampanga

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon