Retreat House: Baguio

343 10 0
                                    

May gusto sana po akong ishare and sana after nyo pong mabasa to gusto ko pong bigyan nyo po ako ng advice.

Here we go. Galing po kami nang Retreat namin sa Baguio 3 days and 2 nights po ang inistay namin sa Baguio. The first day was quite normal. Just like a mediocre day. Just like the 1st day the 2nd day was a normal day too. But it all started on the last day.
Bali sa isang kwarto may dalawang kama ang kasama ko sa kwarto ay yung classmate ko simula 1st year college hanggang 3rd year bali parang magkapatid na ang turingan namin. Mapagbiro kaming dalawa sadyang napakakulit namin. Nung huling araw namin sa Retreat House binisita kami ng mga classmates namin babae. Kase magkahiwalay yung building ng mga babae sa lalaki. Then nung bumisita sila sa kwarto namin pag kapasok nila sa kwarto namin ang una nilang sinabi nila ay "bakit amoy Sampaguita"? Though bago sila pumasok ay naamoy na namin ng karoommate yung amoy Sampaguita na yun hindi lang namin pinapansin kase sabi ko mawawala din naman yan. Then nung huling gabi namin sa Retreat House may kakaiba na akong naramdaman. Nang mapagpasyahan na naming matulog nagtabi na kami sa iisang kama. 10 pm palang kailangan off lights na. So saktong 10 naglight off na kami tapos nahiga na. Habang nakahiga nagfafacebook muna kami gamit ang phones namin. Pagkatapos nanuod kami nang videos. Nagsabi na akong mauuna nang matulog. So pumikit na ako. Tapos may sinabi yung karoom mate ko na may parang kakaiba daw sa kwarto namin.Nararamdaman ko din yun di ko lang sinasabi sa kanya. Ang sabi ko na lang matulog ka na lang. Tapos sabi nya hindi pre iba talaga. May babae daw syang nakita na nakatingin saming dalawa. Then siniksik nya ako para mapunta sya sa pwesto ko para makapagpalit kami nang pwesto. Hanggang sa nagkapalit kami ng pwesto. Nung ako naman ang nasa pwesto nya ay kinilabitan ako tumaas ang balahibo ko. Ang sabi ko sa kanya. "Gago ka! Ikaw dito magpalit tayo" tapos ayaw na nya makipagpalit so ako nadun sa pwesto nya. Pinilit ko na lang matulog kase maaga pa kami gigising kase may Mass pa kinabukasan. Nakatulog naman kami ng maayos.
Noong huling araw na iyon ang alis namin sa Retreat house. Habang paalis may naririnig kaming kwento na di umanoy may nagsuicide daw sa room 109 kung saan kami nakakwarto di ko na pinansin kasi aalis na naman kami. 

Nakaalis na kami sa Retreat house. Pero di pa kami uuwi kase may dadaanan pa kami para makumpleto yung itenerary namin sa Baguio. Nang sumapit ang hapon nasa Burnham Park na kami. Nagstay kami doon hanggang 7 nang gabi. Nilibot namin yung park nagbike, namangka at bumili nang kung anuano. Bumalik na kami sa Respective bus. Bali may 4 na bus nasa bus 1 ako at nasa bus 4 yung ka roommate ko. Nasa bus na yung ka roommate ko inaya ko sya mag smoke kasi di pa naman kami aalis kase may hinihintay pa kaming ibang classmates. Then pumayag sya magsmoke nung pagbaba nya sa sa bus nagulat ako nang bigla syang umayaw at bumalik sa bus nila.Naguluhan naman ako kasi pumayag sya tapos biglang aayaw. Sinundan ko sya sa bus nila para tanungin kung anu nangyare. Hindi naman nya sinabi ang dahilan. Sabe nya kung gusto ko daw ako na lang magisa. Sabe ko okay sige ako nalang. Paalis na kami sa Burnham Park papunta na kami sa Pangasinan para duon mag dinner sa isang restaurant. Habang nasa byahe. Nagtext yung karoommate ko. Eto yung eksaktong text nya. " nung nakita kita kanina, nakita ko sa likod mo ung nakita ko kagabi . magdasal ka gago! may nakasunod sayo". Di ko sana papansinin kase baka nagbibiro lang sya kaso habang binabasa ko ito tumaas balahibo ko. Hindi ako nakagalaw ng isang minuto nakatingin lang ako sa text nya. Nagreply ako ng ganito "wag ako gago!" Nagreply ulit sya. " di kita niloloko. pero sige ikaw na bahala . sinabihan lang kita." San mo nakita reply ko. " sa likod mo natakot nga aq kaya pumasok naq sa bus namin ksi baka skn sumunod pero sayo sya naka sunod. wag mo paalam sa iba ." Dun na ako nagumpisangatakot. Alam kong di na sya nagbibiro kilala ko sya. Nakarating kami ng Pangasinan kumain kami pagtapos kumain nagsmoke nagkwentuhan. Habang nagkukwebtuhan sinabi nya sakin na "Tol, hindi ako nagbibiro totoo yung sinabi ko. Mag pray ka tol".

Mga 4am na kami nakarating sa school tapos umuwi na. Dun kase kami lahat kami ibababa. Nagtaxi na kami pauwi kase marami kaming bitbit mga pasalubong. Paguwi ko sa bahay natulog agad ako kse hindi ako nakatulog sa byahe.Paggising ko napakasakit ng katawan ko dala narin siguro ng pagod. Nagpasya akong maglunch kase 12 na ng tanghali ng magising ako. Nagulat ako ng may pasa sa braso ko. Tapos may pilay ako sa kamay. Hindi ko pinansin. And hindi ko na sinabi sa parents ko. Nangyare po ito nung March 31 2014. Kahapon lang po. Sa tingin nyo po? Sinusundan po ba talaga ako nung babae?

c|o: A Cureg

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon