Ang Apartment

322 9 0
                                    

Taong 2011, nakatira kami sa isang apartment sa Commonwealth, Quezon City. Isa itong tenement, kung titingnan mo ito mula sa labas, masasabi mong napakatagal na ng panahon ang lumipas simula ng maitayo ito. Medyo madumi na yung pintura at ang ibang building eh mukhang haunted house.
Dalawa lang kami ng mother ko na nakatira doon, hiwalay na kasi ang mga magulang ko. Pumapasok pa ako noon sa isang University malapit lang sa tinitirhan namin.
Noong una naming pagtira doon ay maayos naman at normal lahat ng nangyayari. Kapag pumapasok ako ay laging naiiwan ang mama ko sa bahay. Syempre mag isa lang siya doon kaya naman eh lagi na lang siyang nangangapitbahay para hindi na rin mainip sa paghihintay sa'kin. Walang work ang mama ko noong mga panahong yun, suportado kami ng lola ko at siya ang nagpapaaral sa'kin.

Minsang umuwi ako galing school eh nagkwento sakin ang mama ko.
''Nak, alam mo ba kanina nung nandito kami ni Balong sa bahay eh my naranasan kaming kakaiba''. Si Balong ay kapitbahay naming bata na palaging pumupunta sa bahay para makipaglaro sa'kin. Kahit kolehiyo na ko eh nakikipaglaro pa rin ako sa mga bata.
''Bakit ma, ano bang nangyari?, tanong ko''.
''Naku,eh nung papalabas na sana kami ni Balong para pumunta sa bahay nila eh biglang bumukas yung tv, inoff ko ito kanina bago kami lumabas.
Napaisip ako sa sinabi ng mama ko kung papaanong bumukas na lang yung tv, inisip ko na baka nagkataon lang yun. Hindi matatakutin ang mama ko, mas matapang siya kesa sa'kin kaya pareho na lang naming binalewala ang nangyari at nagpunta ako sa kwarto para magpahinga. Nakahiga na ado nun at nagulat ako ng biglang magbagsakan ang mga libro ko na nasa book shelf. Napabalikwas ako ng bangon at inayos ko na lang ulit ang mga nahulog na libro. Ayokong isipin na minumulto kami ng mama ko. Inisip ko na baka daga lang yun.

Hindi ako naniniwala basta-basta sa mga multo lalo na kung mga kwento lang naman na nagpasalin salin na at wala pa ring pruweba kung ito nga ay totoo. Ngunit isang araw, my nangyaring kakaiba sa apartment na nagpabago ng paniniwala ko sa mga multo.

Taong 2012, nagkaroon ng isang napakalakas na bagyo. Walang kuryente at tubig, lahat ng tao ay nasa loob lamang ng kani-kanilang mga bahay. Napakalakas ng hangin at walang tigil na ulan. Pumunta sa apartment namin ang batang si Balong kasama ang nanay nito. Nag-uusap ang mama ko at ang nanay ni Balong habang kami namang dalawa ay nagki-kuwentuhan habang kumakain ng mainit na sopas. Tumagal sila doon ng 3 oras pagkatapos ay umuwi na din. Kapitbahay lang namin sila kaya madali silang nakapunta sa bahay kahit pa may bagyo.

Nang wala na sila ay naisipan naming matulog ni mama, hapon nun at pareho kaming walang magawa dahil wala namang kuryente. Sinara ko ang pinto ng kwarto at tumabi na sa mama ko nang bigla na lang itong bumukas na akala mo'y may tumulak. Nagtaka kami pareho kung bakit bumukas ito, nakasara lahat ng bintana namin at walang papasukan ng hangin kaya imposibleng magbubukas ito, isa pa my mga bag na nakasabit sa pinto kaya hindi ito basta-basta magbubukas. ''Ma, sinong nagbukas ng pinto, tayo lang naming dalawa yung nandito?
'' Aba,ewan ko,lumabas ka nga ng kwarto at tingnan mo baka nandyan pa si Balong at baka siya ang nagbukas ng pinto,sabi nya''. Agad kung sinunod si mama at lumabas ako ng kwarto kahit medyo kinikilabutan na ko.
Pagdating ko sa sala eh walang tao, naka-lock na ang pinto,ibig sabihin ay nakauwi na talaga ang mag ina bago pa man bumukas ang pinto. Kumaripas ako ng takbo pabalik sa kwarto at napayakap ako sa mama ko sa takot. Naiwan kong bukas ang pinto ng kwarto, nang walang ano-ano'y biglang nagsara yung pinto ng napakalakas. Dun na ko napasigaw sa takot dahil hindi na normal ang nagyayari sa apartment. Kahit hindi aminin ng mama ko na natatakot na siya ay kitang kita ko naman sa mukha nya na kinikilabutan na rin sya. Hindi kasi ito naniniwala sa mga multo, pero ng mga oras na yun ay parang gusto na niyang maniwala. Sa takot naming dalawa ay nakatulog kami ng magkayakap.

Kinaumagahan, bumili si mama ng insenso at pinausukan ang buong apartment upang maitaboy kung ano mang espiritu o kaluluwa ang nandoon. Pagkatapos nun ay nagdasal kami. Simula nun ay bumalik sa normal ang lahat. Hindi na kami nakakaramdam at nakakaranas ng iba't ibang kababalaghan.

Show More Reactions

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon