By : Jessica Labores
December 23, 2008
©Haunted Roads
Tumawag sa akin ang isang babae matapos akong mananood sa TV halos dalawang taon na ang nakalipas.
Ang kwento nya nag umpisa sa kanyang village sa bayan ng Rizal.
Masuwerteng nakabili ng bahay si Diana sa Golden Harvest Village sa Rizal, halos hindi nya maiwan ang bahay sa kaayos. Nang dalhin nya ang kanyang ina at anak sa bahay, agad silang naging comportable halos hindi na rin alam kung paano pa dadagdagan ang kanilang gamit.
Isang dalagang ina si Diana. Maputi at may korte ang kanyang katawan sa kakatrabaho bilang ahente ng insurance sa Makati.
Sa halos sampung taon ng kakaipon nakabili na rin ng bahay at napag-aaral nya ang kanyang anak na babae sa exclusive na eskuwelahan.
Minsan nagkaroon ng munting salo-salo sa kapitbahay at niyaya sya bilang bagong lipat sa lugar. Halos mag hahating gabi na nang magpasya syang umuwi. Nagulat sya nang may kulay grey na Mitsubishi Lancer ang nakaparada sa tapat ng bahay nya. Pumasok sya kaagad at inisip na baka nasa loob ang may-ari nito.
Wala namang bisita sa loob ng bahay. Nag-isip sya baka naki-park lang sa kabilang bahay ang kotse.
Pagdating ng umaga, wala na ang doon ang kotse. Kinagabihan, pagdatibg nya sa bahay, bumalik na naman ang sasakyan, naiinis na sya, nang makita nya ulit ito kaya napilitan na ipahanap sa security ang may-ari ng kotse.
Ilan minuto lang nag-report ang security guard na wala na ang kotse na sinasabi nya. Kampante sya at naghanda na para matulog. Bago sya mahiga, tumingin sya sa bintana para i-check ang mga gate nya, nakita na naman nya ang kotse sa harapan ng kanilang gate.
Nainis na sya at lumabas pinuntahan na ang kotse. Hinanap ang may-ari ng sasakyan, nolibot nya ang mga katabing bahay at ipinagtanong sa mga security guards nila kung sa kinila ito. Wala nagsabi kung sino ang may-ari ng sasakyan.
Naglakad pa sya hanggang sa kanto. Para malaman kung sino ang may-ari. Nang napansin nya na may paparating na sasakyan, dahil sa bilis nito, napahinto lang sya sa gitna ng daan. Sa sobrang takot napaupo sya at tinakpan na lang ang kanyang ulo.
Biglang.....
Dumaan sa katawan nya ang sasakyan na parang usok na napakalamig. Pagkalagpas nito, napansin nya na ito ang lumang Mitsubishi na nakapark sa harapan nila. Umuwi sya namumutla na parang hindi malaman ang iisipin.
Kinabukasan ng gabi, nakita na naman nya ang sasakyan. Sa pagkakataon na ito, napansin nga na may nakasakay sa loob nito. Pagsilip nya sa loob, may babae na nakasuot ng jacket at maong pants na sobrang dumi.
Kinatok nya ang sasakyan at sinabing lubayan na silaat natatakot na ang kanyang anak sa kaniya. Lumingon lang ang babae kay Diana at hindi na muling nagsalita. Kumuha sya ng bagay para sirain ang sasakyan, pero lumusot ito sa kotse.
Natakit sya kaya agad syang tumawag ng pari. Sinabi nya ang problema at ang worry nya kung bakit lagi na lang nangyayari ito sa kanila.
Dinasalan at binendisyonan ang lugar. Kampante na si Diana na hindi na muling magpapakita ang kotse sa harapan ng bahay nila. Nakahimlay sya sa kanyang kama ng matiwasay kasama ang kanyang anak.
Bigla syabg nagising nang may mga nagsisigawan sa labas ng bahay nila. Agad na tumayo sya at nakita nya muli ang sasakyan na nakaparada sa harap. May mga tao na sumakay sa loob at umalis ito na sobrang bilis. Hindi na malaman ni Diana kung ano ang gagawin.
Kinabukasan tinawagan nya ako. Ikinuwento nya ang tungkol sa kotse at ang mga naranasan nya sa harapab ng bahay nila. Dumating ako ng gabi kasama ko ang kaibigan ko si Andy. Wala naman kami g naramdaman sa loob ng bahay. Hinintay namin ang pagdating ng kotse, sinilip muna namin ito mula sa loob ng bahay.
Umikot si Andy mula sa likuran ng pinto para malaman kung tunay ang sasakyan. Hinagisan nya ito ng malaking bato at lumusot lang ito. Sumunod na ginawa nya kinatok nya ang salamin, kahit na lumulusot ang kanyang kamay pilit na kinukuha ang atensya ng tao sa loob.
Nang lumingon ito, kinausap na kelangan sya umalis dahil lalabas ang kanyang kotse. Hindi sya pinansin ng babae. Ilan minuto lang ay may mga boses syang narinig pero hindi nga makita. Segundo lang tinagal at nawala na ang kotse.
Nagpasya kami na pumunta sa security office para malaman ang kababalaghan ng bahay. Dahil sa gabi na, iilan na lang ang natitira sa loob. Pinaupo kami ng senior sa grupo at tinanong ang tungkol sa kotse na laging nakaparada sa harapan bg bahay nila Diana.
Pinatayo kami at sinenyasan na doon kami sa labas ng gusali maghintay. Matagal kaming tumayo at inisip namin na ayaw nilang magbigay ng kwento tungkol doon.
Nang palayo na kaming naglalakd bigla kaming sinutsutan ng head security. Sumama sya sa paglalakad namin. Ilan taon pa lang nakakalipas, bago itinayo ang bahay nila Diana, may artista na nakabili ng bahay sa harapan. Madalas silang magpark sa dating bakanteng lote.
Lagi na lang umuuwi ng lasing ang anak ng artista at kinsan nakadroga. Walang gustong lumabas ng bahay nila kapag andoon ang kotse ni Gerald. Dahil lahat ng maid o homeowner lalo na kung babae ah madalas nilang bastusin o batuhin ng kung ano-ano.
Nawalan ng break ang magulang nya, hanggang sa nabalitaan nya na ibebenta na ang bahay at lilipat na lang sila sa probinsya kung saan nangaling ang ama nya. Hindi nya nakayanan ito at isang gabi ninakawab ang sarili nyang bahay at pinatay nya ang kanyang batang kapatid na babae.
Sa huling hininga ng kanyang ama, nakatawag ito ng security sa labas. Hindi pa man sila nakakalayo sa kalye, punaputukan sya ng mga police at lahat sila sa sasakyan ay namatay. Dahil s ayaw na malamn ang krimen na ito, itinago ito ng mga security at police para sa developer ng subdivision.
Itinanobg nya kung ano ang magandang gawin, kinausap ni Diana ang tapat na bahay nya, na doon nagsabi rin na may mga nagpapakira sa kanila at binabalak na lisanin ang lugar bago matapos ang taon. Napasyahan nila na magdaos ng misa at pagbebensiyon ng bahay at kalye.
Pero hindi umubra ang nanging plano nila, hanggang napasyahan ni Diana at ang bahay sa tapat nila na lisanin ang lugar. Hanggang ngayon nagpapakita pa rin ang misteryosong kotse sa harapab ng bahay. Wala rin ang tao ang tumira sa dalawang bahay.
END.
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events