Nangyari to sa bahay namin, ilang buwan matapos yung October 2015 na lindol.
Di na bago saming pamilya ang makaexperience ng kung anu-anong kababalaghan sa bahay namin.
Parang dalawang pamilya na nga ang nakatira dito. So, nung mga 4 weeks after nung lindol, nakalipat na kami dun sa garahe namin. Dun kami nagstay ng mga 1 taon hanggang sa naisipan nina mama na gawin na talagang parte ng bahay yung garahe - gawing kwarto mismo.
Back to the topic, yun nga, nung nasa garahe pa kami, di makatulog ang mama ko isang gabi. Kase daw may nagluluto. Pagtingin nya sa oras e 10pm na. Binalewala lang nya yun kase akala nya yung kapitbahay lang namin yung nagluluto. Kinabukasan tinanong nya yung kapitbahay namin kung nagluto ba sya ng ulam mga 10pm ng gabi. Sabi naman hindi raw.
Nung mga sumunod na gabi, nagpunta mama ko sa CR. Nagpapasama sya. Ewan ko kung bakit pero di naman matatakutin ang mama ko. Hanggang sa nalaman ko kung bakit. May nangangatok kase sa pinto ng CR namin. Ako mismo ang nasa loob ng CR. Akala ko yung mga pusa ko lang ang pumasok sa CR kase nasanay na ako na pag pumasok ako sa CR, sumasama rin yung nga pusa ko sa loob. E yun, pagtingin ko wala naman yung mga pusa ko. I just shrugged it off.
Naulit na naman. Katok ulit ng dalawang beses. Sinigawan ko ng "Alam mo namang may tao sa loob! Hintayin mo namang matapos ako walangya!" Akala ko kapatid ko na naman nantitrip sakin. Binuksan ko yung pinto, walang tao. Dali-dali akong lumabas ng CR pagkatapos ko ng ritwal ko hahahaha.
Sinabi ko yun kay mama. Sabi nya, "Kaya nga nagpapasama ako gabi-gabi dun sa CR e, yan kase ang nangyayari." Pero simula nung sinigawan ko yung kung ano man yung kumatok sa pinto ng CR e di na nagyari ulit.
Matapos nun, yung papa ko naman. Nasa kusina sya nun, may ginagawa. Biglang may humikab ng malakas. Akala nya kapatid ko yung humikab, kaya sabi nya, "Bakit kase di pa natutulog, e inaantok na." Pag lingon nya sa likod, walang tao, sya lang mag-isa. Nagdasal si papa at kumanta ng praise & worship songs para mawala yung nararamdaman nyang takot.
Hanggang ngayon, nandito pa rin sila sa bahay namin pero bihira na lang sila kung magparamdam. Peace kami dito. Hehehe.
Pharmacology
COP
UB
©Cross Kaien
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events