Chinita

600 15 0
                                    


Dancer po kasi ako at always po kaming sumasali sa mga contest sa iba't-ibang lugar, One time nung sumali kami sa contest sa quiapo, nagtutune up kami nun sa backstage nang mapansin ko ung isang babae na naka puti na nakatitig saken, ngumiti siya saken then nginitian ko din siya, tapos nung sumasayaw na kami nakita ko siya sa harap na nanonood at nakangiti, hanggang matapos ung contest, pauwi na kami nun nasa tricycle na kami nang makita ko nanaman siya na nakatayo sa gilid at nakangiti sken, medyo kinilabutan na ko nun. pero mas nagulat ako kasi hanggang sa practice place namin nakikita ko pa rin siya na nakangiti saken, hanggang ngayon kahit san ako mapunta nakikita ko pa ren siya. Pero pinaka-kinilabutan ako nung isang gabe na pauwi na ko, mag isa lang ako nun tapos wala na ren ibng tao sa labas kasi around 1 am na yun, nakita ko nanaman siya sa likod ko pero hindi ko siya nakita na naglalakad, nakatayo lang siya at nakangiti saken, nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad, nagulat ako kasi paglingon ko nandun pa din siya sa likod ko siguro mga 10 meters lang ang distansya niya saken, at kahit anung bilis ko ng paglakad hindi siya nkakalayo saken (pero hindi ko siya nakikitang naglalakad nakatayo lang siya at nakangiti saken), nung malapit na ko sa bahay namin lumingon ulit ako at nakita ko na wala na siya sa likod ko, pero hindi ko inexpect na pagharap ko nandun siya sa harap ko (as in sa harap ko talaga face to face) kitang kita ko yung mukha niya, medyo chinita sobrang puti at nakangiti saken, simula nun, hindi na ko umuuwi mag isa at di na din ako nagpapa abot ng ganung oras. although nakikita ko pa din siya, pero hindi ko na lang pinapansin, hanggang ngayon hindi pa maliwanag saken kung bakit niya ko sinusundan.

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon