Hiwaga sa Expressway

1.8K 25 1
                                    

By: Sharron R. Navera

November 30, 2008

©Haunted Roads

Simula pa lang nang unang magawa ang South Luzon Expressway, marami na ang nakakaencounter ng kababalaghan dito.

Madami ang nagsasabi na itong lugar na ito ay malimit na dinadalaw ng mga engkanto dahil sa dating burol at pinilit na gawin daan para sa convenience ng mga motorista.

Ito ay compilation ng mga naencounter namin na kwento ng mga kamag anak ko at sa ngayon na araw-araw akong dumadaan dito, nararamdaman at nakikita ko pa rin ang iba rito.

1. Ang Babae sa Susana Heights

Sabi ng papa ko, kapag dumaan kami sa lugar na ito galing Calamba, ay mag busina kami ng tatlong beses, kung hindi may babae na bigla na lamang makikita sa likod ng kotse at biglang maaksidente ang sasakyan.

Kahit na walang proof itong kwento na ito sa side namin, pero ito ang kinuwento ng isa namin kaibigan ng pamilya, si Feliciano, dating magtrabaho sa toll both noong panahon pa ni Marcos.

First week nya sa trabaho sa exit ng Susana Heights. Noong mga panahon na iyon, hindi pa ganoon karaming sasakyan ang dumaan sa lugar na ito, halos talahib at mga undeveloped na lote ang nasa Muntinlupa at Laguna area. Tanging ang planta lang ng Pepsi at Alaska ang gumagamit ng exit na ito para sa pag-transport ng kanilang produkto.

Napilitan mag shuttle si Feliciano at isa pa myang kasamahan para makauwi ng Maynila mula sa assigned area. Dahil halos hatinggabi na, nakatulog sila, maliban sa harapan, ( hindi pa kasi kita ang driver at ang likod ng unang labas na fierra-type na sasakyan noon. ) na ilang minuto pa lang ang kanila tinatakbo. Iniisip nila na may guard na gusto na rin sigurong umuwi sa oras na iyon.

hanggang.....

Biglang pumereno ang sasakyan nila, at silang dalawa ay parang lumilipad sa hangin, nahulog sila sa ngayo'y nakatagilid nang sasakyan.

Basag ang lahat ng salamin at parang lumiit ang kanilang lugar. Sinipa nila ang pintuan at agad na lumabas, nakita nila na bumangga sila sa pundasyon ng tulay sa Muntinlupa at nabunggo pa sila ng 10-wheeler na truck.

Nakita kaagad nila ang driver at pilit na nilalabas sa harapan, binulong nya sa kasamahan na may babae syang kasama at baka namatay sa aksidente. Hinanap ng kasamahan ni Feliciano ang babae pero hindi ito nakita, isip nya na tumilapon ito sa lakas ng impact nila.

Ilang oras pa dumating na ang rescue. Sinabi nila na may babae pang kasama ang driver na nakuha nya sa may susana exit. Nagkatingjnan ang mga rescuer at sinabi na tsaka na lang ikukwento ito.

Hindi mapakali si Feliciano, pilit na tinatanong sa mga nurse ang kalagayan ng babae na nakasakay sa harapan ng fiera. Dahil sa hindi nya alam ang itsura nito, hindi nya maidescribe sa mga nurse ang babae.

Kinabukasan pinauwi na sila ng ospital dahil hindi naman maintindihan ang kanilang pinsala, pero ang driver ng sasakyan nila hindi na nakaabot ng buhay. Hindi maalis sa isipan nila ang sinasabing babae na sumakay sa Susana Heights.

Maagang pumasok sa trabaho si Feliciano at dumaan sa Emergency-Rescue unit ng expressway, inaalam nya ang tungkol sa babae na sinasabi ng yumao nilang driver. Pinaupo sya bg Chief EMT, pinatawag din ang mga nagrescue noong gabing iyon. Sinimulan nila ang kwento.

Noong nawala ang PNCC sa control ng expressway, may mga nanirahan na mga squatters malapit sa Susana Heights. May isang babae na madalas na makikitang naglalakad dito noon, si Nena. Nagkaroon sya ng deperensya sa utak laging palaboy laboy sya sa kalye. Huli syang nakitang buhay nang may truck na nagmagandang loob na isakay sya dahil natagpuan sya sa gitna bg expressway, dadalhin sya sa pinakamalapit ba prisinto nang bigla itong nagwala at hinawakan ang manibela hanggang nabunggo sila sa poste ng tulay sa Muntinlupa.

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon