UP Los Baños: Road behind YMCA

337 9 0
                                    

2009
around 9 PM
road behind YMCA just after FC canteen(taas) to New Dorm

I was walking on this road na madilim parin kahit may mga nilagay na street lights. It is one of the roads I always feared of experiencing something creepy and I never conquered that fear sa pagstay ko ng pitong taon sa campus.

and this happend:

Mag-isa kong naglalakad. I was hoping na may makasabay akong tao pauwi or at least makasalubong galing dorm kaya mabagal ang aking paglalakad at salitan ang tingin sa harap at likuran ko.

Sa di kalayuan, may nakita akong babae. Ako naman bilang lalake, lalo akong nagbagal at inabangan ang pagsasalubong namin kasi sa pagkakatanda ko noong mga panahon na yun madaming magaganda sa New Dorm. Nung malapit na kaming magkasalubong, hindi ako tumingin ng deretsahan sa kanya, nakatingin ako sa baba ko dahil sa hiya. Oo, isa akong torpe. Habang papalapit ng papalapit napatingin ako saglit at nakita ko na pati siya nakabow din na parang nahihiya din or baka takot lang din tulad ko. Noong mga limang steps away na lang kami sa isa't-isa, naamoy ko na ang pabango niya, naisip ko baka may lakad siya. Tapos nung moment na magkakasalubong na kami, umiwas ako dahil sa hiya. Ang windang ako sumunod siya at sumalubong sakin.

Inanticipate ko yung moment ng collision but then tumagos si ate sa akin. Pagtingin ko sa likod ko wala siya, yung pakiramdam na may sapot ng gagamba sa buong katawan ko. Bigla akong kinilabutan at nagsprint na pauwi ng dorm. Hinding hindi ko makakalimutan yung gabing iyon. 0.0

c|o: Rudolph Mangosing

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon