Isa itong lugar sa cavite. Hindi ko na sasabihin kung saang lugar.
Alam naman natin na bawat lugar merong kababalaghan.
Isang araw napadayo ako sa lugar ng aking kaibigan. Syempre laking maynila ako kaya namamangha ako pag napupunta ako sa mga probinsya o malaprobinsyang lugar. Parang ang sarap mag istay kasi sariwa ang hangin. Hindi tulad sa maynila puro pollusion.
So ang nangyari nagkatuwaan kaming magkaibigan. Naisipan namin uminom ng alak para chill lang.
Habang nag iinom sa balkonahe nila. May isang maliit na kwarto na pinagtatambakan ng mga lumang gamit. may napapansin ako sa harap ko na isang itim na anino na kanina pa sumisilip silip sa amin. Hindi ko naman iyon pinapansin kasi sanay na ako makakita ng ganyan. Kumbaga natural na lang sakin na may mga ganyang pangyayari.
Natanong ko ang kaibigan ko. Sya si shiela (hindi totoong pangalan) ang sabi ko : she! May nagpapakita bang anino jan sa harap natin ?
Sheila : oo ang alam ko. Bakit ?
(Parehas na kami nakainom so parang nawawala yung takot ni shiela. ( pero duwag talaga sya hahaha. )
Mica: kaya pala kanina ko pa kasi napapansin simula pag dating ko at umupo dito sa tapat nyang maliit na kwarto may napapansin akong itim na anino ng lalaki na kanina pa sumisilip.
Shiela : wag mo ng pansinin yan.
(Pero deep in side natatakot na.)
Sige na inom na lang tayo she ! Anino lang yan! Hahaha
Makaraan ng ilang oras.
Mejo nalasing ako.
(Hindi na kasi ako masyadong umiinom)
Ang naalala ko nag away kami ni shiela.
Tapos sa tapat ng pinag iinuman namin may bukid.
Yung mga puno ng saging. Tapos sa dulo nun malaki at malawak na lupain nila. Pero hindi pa ako nakakapunta. Nakwento nya lang sakin.
At first time kong pumunta sa bahay nila.
So back to the story
Nag away kami. Ang natatandaan ko umiilaw yung kumpulan na puno ng saging sa bukid nila.
Dahil wala na ako sa wisyo. Pumunta akong mag isa. Pero may natatandaan pa ako na may kasama akong isang lalaki na payat na nakahubad ang pang itaas tapos may kwintas sya. Naupo kami sa tapat nung nakita kong umiilaw. Nung sinundan ako ni shiela. Alam ko tumayo yung lalaki at umalis. Lumapit si shiela.
Shiela : balik na tayo. Alas syete na nang gabi. Deliakado na dito sabi nila. May mga ahas na sa bandang dulo.
Mica : hayaan mo muna ako. May kasama naman ako. Yung lalaki na kasabay kong pumunta dito.
Shiela : anong lalaki? At sinong lalaki yung sinasabi mo ? Tayong dalawa na lang naiwan dito sa labas. Tumakbo ka nga papunta dito eh. Iniisip ko hindi ka naman taga rito pero alam mong may upuan (nakatumba na puno ng saging) dito. Saka malabo mata mo diba? Tara na alis na tayo.
mejo na tauhan ako sa kwento nya. Naalala ko na nung tinawag ako ni she biglang tumayo yung lalaking kasama ko at umalis.
Bigla akong tumayo at umalis na sa kinauupuan ko.
Ano kaya o sino kaya ang nakita ko? Anong meron sa mga puno ng saging na bigla kong nakitang lumiliwanag ? Hindi ko maexplain pero nagpapasalamat pa din ako na hindi ako nakuha ng mga nilalang na nakasama ko.
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events