San Agustin Church

337 7 1
                                    

This photo was taken at San Agustin Church during our Hum2 fieldtrip two years ago. Kailan lang din nung unang napansin 'to ng bestfriend ko. Naisipan nya kasing magbrowse ng mga picture na itinag ko sa kanya.

Tinawagan nya ko para itanong kung naalala ko pa ba ang nangyari nung fieldtrip namin sa Hum2. Ang sabi ko sa kanya, "Oo. Bakit?"

"Basta," sabi nya.

Nagtataka ako kung bakit nya naitanong yon, samantalang kung iisipin, ilang taon na rin ang nakalipas nung araw ng fieldtrip.

Nagtanong sya ulit kung meron ba kaming kasamang nagpicture sa lumang salamin sa isang parte ng simbahan. Ang sabi ko, "Ha? Bakit? Hindi ko matandaan. Sigurado ka bang nagpicture tayo dun?"

"Isipin mo," sagot nya.

"Wala talaga akong matandaan. Bakit nga?" tanong ko ulit. Medyo kinakabahan na din ako sa mga pagtatanong nyang yun. Ayaw nya kasing sabihin kung ano yung dahilan bakit sya nagtatanong. Kapag kausap ko naman sya sa ibang pagkakataon, straight to the point sya kung sumagot.

"Wag kang magugulat ha? May kasama tayo. May nakatabi sa'yo. Babae. Nakaitim sya. Tignan mo," sabi ng bestfriend ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Nagsimula na noong tumindig ang balahibo ko. Noong una, hindi ako naniniwala dahil ang sabi nya, sobrang 'close' daw nung babae sa akin, parang nakayakap pa nga. Ang ulo nya ay nakapatong sa balikat ko. Wala akong maisip kung sino 'sya' dahil sa pagkakatanda ko, dalawa lang talaga kami nun ng bestfriend ko.

"Weh? Sigurado ka ba? Baka naman niloloko mo lang ako."

"Hindi no. Tignan mo, Promise. Ipapakita ko sa'yo yung litrato. Medyo hindi ka na nga rin kita dahil itim na din yung mukha mo," dagdag pa nya.

Naiyak na ako nun. Ayokong makita yung picture. Feeling ko kasi, senyales yon na mamamatay na ako.

"Basta, magdasal ka na lang ha? Wag kang makakalimot na magdasal. Ingat ka ha," huling salita ng bestfriend ko at pagkatapos ay ibinaba na nya ang telepono.

Agad kong tinignan kung totoo nga ang sinasabi nya. Baka kasi binibiro nya lang ako dahil alam nya na takot ako sa multo. Nanginginig ako habang chinecheck ko ang album kung saan naroon yung picture. Totoo nga. Parang meron nga.

Hindi lang kasi ito ang litrato na parang may kasama akong '"iba". Unang engkwentro ko ay nangyari nun sa Baguio. Halos parehas lang din. Parehas na nakaitim at parehas na nakuhanan sa lumang salamin.

eto yung actual pic: https://scontent.fmnl4-3.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/10959335_431131147050373_2903784550225859126_n.jpg?oh=a0421264a543ada2a7d984e7ffe0c736&oe=584FCBB1

c|o: Chin Foncacier

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon