UP Los Baños: Men's Dorm

437 10 0
                                    

   "Freshie Days"  2008  

 Madalas na ang magkakasama sa dorm by wing and unit ay magkaka-college. So that time dahil sa magkaiba kami ng college ng schoolmate ko nung high school, magkaiba kami ng unit. Ako Unit II second floor at si schoolmate na tawagin natin sa pangalang Ate Ange ay sa Unit III, first floor. Sa pagkaalala ko room 2204 ako nun. Hahaha. (di ako nananakot, sobrang minahal ko yang room nay an kahit na-------------). Mag-iisang buwan pa lang na nag-start ang classes, bilang freshie, nagpapraktice na di umuwe sa bahay para masanay maging independent. Haha. Nagkataon na may bagyo that time. Usong-uso pa naman na kapag may bagyo, nawawalan ng kuryente sa dorms sa loob ng campus, so I decided to sleep with ate ange that night since umuwe lahat ng roommates ko at halos lahat ng kasama ko sa wing. 

Dinala ko ang librong binabasa ko that time pagpunta sa kabilang unit. Flashlight lang ng phone gamit ko sa pagbasa kasi nga walang kuryente. Sobrang dilim ng paligid, at sa kwarto nila ate ange, kandila lang na nasa bote ang ilaw namin. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako habang nagbabasa. The next thing I know na nangyare was natauhan ako kase nabangga ako sa isang matigas na bagay. Oh sheeeet! Nabangga ko yung malaking stand fan sa room ko. Sobrang blangko ang utak ko, nakatayo lang ako sa harap ng tekfan at sa tabi nito ay may isang babaeng noon ko lang nakita (Mahaba ang buhok at mukhang estudyante). Mga 10 seconds bago ako napaisip na anong ginagawa ko dun? Sino yung kasama ko?Wala akong maaninaw. Wala akong makita ni kahit konting source of light. Tumakbo ako pababa.Tumakbo ako pabalik ng kabilang unit kahit di ko makita ang daan. Pagpasok ko ng kwarto ni ate ange, tinanong niya kung saan ako galing? Kinakausap niya daw ako at tinanong kung punta ako ng CR pero di daw ako sumagot. Napaupo ako sa kama na hinigaan ko. Nandun ang libro na binabasa ko at ang nakakagulat, nandun din yung susi ng kwarto ko, paanong nangyaring nakapasok ako dun ng walang susi.
Mga ilang minuto akong nag-iisip, naalala kong bumangon ako nung may narinig akong tumatawag ng pangalan ko, pero ang di ko matandaan ay paanong nakarating ako sa kwarto na yun. First time ko rin naranasan na maglakad ng tulog that time and promise until now di na naulit yun! Pero sa isang taon kong pag-stay dun sa room 2204, madami akong naramdaman, narinig at naexperience na kakaiba. But I'm thankful for that kase naging part sya ng UP life ko. hihi  

c|o: Kristina Ricario

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon